(Matalam, North Cotabato/ July 23, 2013) ---Patuloy
ngayon ang ginagawang pagbabantay ng mga sundalo at pulisya sa kahabaan ng
National Highway ng Matalam, partikular na sa bahagi ng Manubuan, matapos na
muling sumiklab ang bakbakan ng dalawang naglalabang grupo nitong linggo ng
umaga.
Sa panayam ng DXVL News kay Army’s
Spokesperson Captain Anthony Bulao, bagama’t humupa na kahapon ang engkwentro
ng MILF at MNLF sa erya, patuloy ang kanilang monitoring sa lugar ito dahil sa
nangangamba ang militar na baka muling aatake naman ang MILF.
Ayon sa opisyal nagkausap na umano ang
dalawang grupo na wag na umanong atakehin ng CVO at MILF ang erya ng MNLF
matapos ang ginawa nilang pag-uusap.
Ibinunyag ni Bulao na ang ugat umano ng
nasabing sagupaan ng naglalabang pangkat ay makaraang inatake ng MILF ang kampo
ng MNLF sa Manubuan dahil sa planu umano nilang palawakin hanggang Kidapawan
ang kanilang teritoryo. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento