Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

13-anyos na bata, sugatan sa nangyaring sunog sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ July 23, 2013) ---Sugatan ang isang 13-anyos na bata matapos na masunog sa nangyaring sunog sa Poblacion, Carmen, North Cotabato pasado alas 11:00 kaninang umaga.

Sa interbyu ng DXVL Radyo ng Bayan kay Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon hindi umano namalayan ng naglagay ng gasolina sa tangke ng Shell Station na pag-mamay-ari ng Pamilya Taliño  na tumagas na ang gasolina hanggang sa umapaw na ito sa kanal.

Posible umanong may tumapon ng sigarilyo dahilan kung bakit umapoy at bumalik ang apoy sa gusali ng kanilang Panimalay.

Mabilsi namang naapula ang sunog sa tulong ng mga tauhan ni Ginang Noemi Taliño at ang pagresponde ng Bureau of Fire Kabacan kaya din a kumalat ang apoy.

Mabilis namang isinugod sa Amas Provincial Hospital ang biktimang si Ken Nangkil na residente rin ng nasabing lugar.


Sa ngayon nagpapagaling na ang biktima ay posibleng aakuin naman ng Pamilya Taliño ang gastos sa pag-papa ospital sa bata. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento