Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P5 M pondo inilaan para sa isang FMR sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ July 24, 2013) ---Abot sa limang milyong piso ang inilaang pondo para ipatupad ang konstruksyon ng Sadaan- Sta. Cruz- Bitoka Farm-to-Market Road sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Ito ang kinumpirma ng tanggapan ni North Cotabato 1st District Rep. Jesus Sacdalan sa katanungan ng ilang residente sa mga nabanggit na barangay kung kailan sisimulan ang pagsasaayos ng kalsada sa kanilang lugar.

Ayon sa plano, higit sa limandaang metro ang haba ng kalsadang isasailalim sa konstruksyon, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Sinabi ni First Congressional District Office Infrastructure Focal Person Engr. Jerry J. Pieldad na nitong Hulyo a-3 ng taong kasalukuyan ay sumailalim na sa bidding ang nasabing proyekto.

Aniya, hinihintay na lamang ang Notice to Proceed o NTP na ilalabas ng DPWH Cotabato Second Engineering District Office upang masimulan na agad ang proyekto.

Ang nabanggit na road section ang nagsisilbing pangunahing daan ng mga magsasaka sa lugar upang madala ang kanilang produkto tungo sa pamilihang bayan ng Midsayap. (Roderick Bautista)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento