Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga indigent na residente ng Kabacan, may libreng Kabaong at balsamo

(Kabacan, North Cotabato/ July 23, 2013) ---Limang pamilya na ang naging benepisyaryo ng libreng kabaong at balsamo na programa ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan para sa mga indigent na residente ng bayan.

Sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni Mayor Herlo Guzman, Jr. na bahagi ito ng kanilang programa ng LGU Kabacan bilang tulong sa mga mahihirap na residente ng bayan na di kayang mabigyan ng disenteng libing ang kanilang mga kamag-anak.

Aniya marami pa umano siyang nilulutong mga programa para sa mga Kabakeños bukod pa sa pagtutok nito sa usapin ng peace and order sa bayan.

Malaking hamon umano para sa kanya bilang punong ehekutibo ang peace and order ng Kabacan, dahil ayon sa kanyang kritiko ay hindi umano nito kaya resolbahin ang nasabing problema.

Pero ayon kay Guzman, ilang araw pa lamang siya umupo bilang bagong alkalde ng Kabacan ay unti-unti na nitong natugunan ang nasabing problema partikular na ang droga sa Purok Krislam na itinuturing na drug den sa Kabacan.

Todo suporta din siya sa pulisya at militar para tuluyan ng matuldukan ang sinasabing “eye sore” sa paglago ng ekonomiya ng Kabacan. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento