Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magkahiwalay na kaso ng nakaw motorsiklo, naitala sa Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ July 23, 2013) ---Dalawang kaso ng nakaw motorsiklo ang naitala sa Kabacan PNP sa nakalipas na 24 kwatro oras.

Batay sa blotter log book, unang tinangay ng mga di pa nakilalang mga salarin ang motorsiklo ng isang USM student na kinilalang si Abdulgani Salidubpong Esmael, 24-anyos, residente ng Brgy. Bulit, Datu Montawal, Maguindanao.

Ipinarada lamang umano ng biktima ang nasabing motorsiklo na Honda XRM 110 kulay pula na may license plate na OD 9893 sa harap ng College of Business Development and Economic Management o CBDEM na nasa loob ng USM Main campus ng bandang alas 12 ng tanghali kahapon pero ng balikan nito ay laking gulat niyang nawala na.

Samantala, iniulat din ang pagkawala ng isang kulay pula na RUSI Delta 150 na motorsiklo na pag-aari ng isang kawani ng LGU.

Kinilala ang biktima na si Marlo Trance, 40-anyos residente ng Carmen, North Cotabato.

Nag-check-in umano ang biktima sa isang Inn dito sa Kabacan kasama ang babaeng partner nito na taga Jacinto St.

Pag-check out nito bandang alas 5:00 ng madaling araw kanina ay nawala na sa garahe ang nasabing motorsiklo na may license plate na 9964 YLO.

Nakita na lamang ng attendant ng nasabing establisiemento na si Maribeth Dahan, 35 na sinira ng di pa nakilalang salarin ang padlock ng kanilang main gate na posibleng naging daanan para maisakatuparan ang masamang balakin. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento