(Kabacan, North Cotabato/ July 23, 2013) ---Kung
sa larangan ng Agrikultura, pasado ang naging State of the Nation Address o
SONA ni Pangulong Aquino sa ilang mga opisyal ng Kabacan.
Ito dahil sa binigyan ni councilor Jonathan
Tabara ng markang 8 si Pnoy.
Sa panayam ng DXVL News kay Tabara sinabi
nitong tinututukan umano ng kasalukuyang administrasyon ang agrikultura.
Ito makaraang may 187,000 metric tons na
reserbang buffer stock ang bansa sakaling mag-sunod-sunod ang bagyo bukod pa sa
target ng kasalukuyang administrasyon ang rice self-sufficiency.
Sa ulat ng Pangulo, hindi na rin kailangan
pang mag-angkat ng bigas.
Nagsimula na rin umanong mag-export ng
matataas na uri ng bigas ang bansa.
Dahil dito may pasaring din ang Pangulo sa
nagdaang administrasyon matapos na malayo na umano ang narating ng kasalukuyang
administrasyon doon sa panahon na sinasabing di nating kayang pakainin an
gating sarili. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento