(Kabacan, North Cotabato/ July 23, 2013) ---Bagsak
ang grado ng Pangulong Aquino sa katatapos na State of the Nation Address o
SONA nito mula naman sa hanay ng mga progresibo at militanteng Kabataan dito sa
North Cotabato.
Ayon sa tagapagsalita ng Kabataan Partylist
North Cotabato chapter Jamelon Ariraya, gradong tres lamang ang ibinigay nilang
marka sa Pangulo.
Ito makaraang di umano nasagot ang hinaing
ng mga kabataan tungo sa isang makamasang edukasyon.
Sa kanya namang mensahe, sa larangan ng
edukasyon, pinagsisikapan namng itaas ng Pangulo ang kalidad na edukasyon para
pagkatapos mag-aral ay mapanghawakan nila ang mga opurtunidad na bubukas sa
lipunan.
Binanggit din nito ang mga minana nitong
kakulangan sa mga libro at mga upuan sa mga paaralan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento