Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kaso ng VAWC sa Kabacan, bumaba ngayong taon

(Kabacan, North Cotabato/ July 24, 2013) ---Malaki ang ibinaba ng kaso ng Violence Against Women and Children o VAWC sa bayan ng Kabacan ngayong taon.

Ayon kay Social Welfare Officer Susan Macalipat ang pagbaba umano ng bilang ng nasabing kaso ay dahil sa kanilang adbokasiya at sa tulong ng brgy. Council.

Sa report ni VAWC Focal Person Farida Malangan mula buwan ng Enero hanggang Hunyo ay nakapagtala lamang sila ng pitong kaso kumpara sa malaking bilang nito noong nagdaang taon na umanot ng 30 kaso sa kaparehong quarter ng taon.

Sinabi ni Malangan sa DXVL News na apat na kaso ng Physical abuse sa mga Kababaihan ang kanilang naitala, 2 kaso ng sexual abuse at 1 kaso ng act of lasciviousness .

Pero di naman kumpiyansa ang pamunaun ng MSWDO Kabacan sa nasabing bilang dahil maraming mga kaso ng pagmamaltrato partikular na ang pambubuogbog at pananakit sa mga kababaihan ang di naireport sa kanila mula sa mga malalayong brgy ng Kabacan.


Sinabi ni Macalipat na patuloy ang education campaign ng MSWDO sa mga brgy at pagpapalakas ng brgy council for the protection of Children. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento