(Matalam, North Cotabato/ July 22, 2013) ---Nagsilikas ang mahigit sa 30 pamilya makaraang muling sumiklab ang engkwentro sa pagitan ng MILF at MNLF sa may Purok 5, Km 102, Brgy. Manubuan, Matalam, Cotabato kahapon.
Sa report na ipinarating sa DXVL News ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP, nagsimula ang sugapaan ng dalawang naglalabang grupo alas 7:45 ng umaga kahapon.Habang ginagawa ang balitang ito, nagpapatuloy pa umano ang palitan ng putok sa magkabilang panig.
Pinamumunuan ni Kumander Manu Sandab ang grupo ng MNLF habang si kumander Oscar Matiagal naman ang namumuno sa panig ng MILF.
Alas 4:20 kahapon ng hapon ay patuloy pa rin ang panaka-nakang putukan sa nasabing lugar na ikinasugat ng isang kasapi ng MNLF na kinilalang si Larry Panga Balah, 38 at residente ng brgy. Kilada, Matalam.
Agad na tinungo ni PSSupt. Danilo Peralta, Provincial Director ng CPPO kasama si Supt. Noel Kinazo at PSI Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang lugar para alamin ang siteasyon.
Pansamantalang isinara ang National Highway kahapon kungsaan nagtagal ng 30 minuto bago naibalik ang normal na operasyon ng nasabing kahabaan na nagdulot naman ng takot sa ilang mga motorist at mga bumabiyahe.
Sa ngayon nakikipagtulungan na ang PNP sa militar para kausapin ang dalawang naglalabang grupo at alamin ang ugat ng kanilang pinag-aawayan.
DXVL Staff
...
1 sugatan sa muling pagsiklab ng engkwentro ng MILF at MNLF sa Matalam, North Cotabato
Linggo, Hulyo 21, 2013
No comments
Samantala, pansamantalang nanunuluyan ngayon ang mga bakwit sa Manubuan Elementary School matapos na maipit sa muling bakbakan ng grupo sa lugar. (Rhoderick Beñez)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento