Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Linya ng kuryente, umabot na sa isang malayong barangay sa Midsayap, NCot

(Midsayap, North Cotabato/May 24, 2012) ---Sa matagal na panahong hinintay ng mga residente ay umabot na nga ang linya ng kuryente sa Barangay Kadingilan, isang malayong komunidad na sakop ng bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Ipinapaabot naman ni Kadingilan Barangay Chairman Peng Lakiman ang pasasalamat nito sa gobyerno dahil sa pagpapatupad ng elektripikasyon sa sa kanilang barangay.

Kauna-unahang Gender Welfare Assistance Center o GWAC sa North Cotabato, pasisinayaan sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/May 24, 2012) ---Pasisinayaan ang kauna-unahang Gender Welfare Assistance Center o GWAC sa probinsiya ng North Cotabato na makikita sa Kabacan Terminal Complex.

Gagawin ang inagurasyon sa May 29, 2012 kungsaan mismong si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang magiging panauhing pandangal.

2 katao huli sa magkahiwalay na operasyon kontra illegal na droga sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/May 24, 2012) ---Tiklo ng mga kasapi ng Kabacan PNP ang dalawang mga suspetsado sa nagpapatuloy na kampanya ng mga otoridad kontra illegal na droga sa bayan ng Kabacan.

Alas 11:45 kahapon ng umaga, arestado ang isang Samcia Talusan, nasa tamang edad at residente ng Lapu-lapu St., Purok Chrislam ng bayang ito makaraang mahulihan ng pitong piraso ng heat sealed plastic sachet sa nasabing lugar.

Kawani ng LGU-Kabacan, sugatan sa vehicular accident sa Highway

(Kabacan, North Cotabato/May 24, 2012)---Sugatan ang isang empleyado ng Kabacan Rural Health Unit makaraang maaksidente sa National Highway partikular sa Malamote dakong alas 3:00 ng hapon nitong Miyerkules.

Pampasaherong Van hinold-up sa Kabacan, libu-libong halaga ng cash at mga personal na gamit natangay ng mga hold-upper

(Kabacan, North Cotabato/May 23, 2012) ---Isang kulay gray pampasaherong L300 Van na may plate number LCW 957 ang hinold-up sa may Purok 5, brgy. Osias, Kabacan, Cotabato dakong alas 2:30 kahapon ng hapon.

Ayon kay SP01 Kenneth Garbin, investigator ng Kabacan PNP, galing umano sa Koronadal city ang nasabing Van lulan ang labin apat na mga pasahero.

Pinakamahal na pataba o abono matatagpuan sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/May 23, 2012) ---Maituturing na isa sa pinakamahal na pataba o organic fertilizer ang Guano, mula sa waste materials ng mga paniki na ngayon ay makikita sa Pisan Cave dito sa bayan ng Kabacan.

Ito ayon kay Kabacan Tourism Officer Designate Sarah Jane Guererro, kung saan may mga ginagawa ng guano extraction ang ilang mga lokal na residente sa lugar.

Pagharap ng punong mahistrado sa Impeachment Trial, nakakademoralized diumano sa Judiciary--- ayon sa isang propesor ng USM


(USM, Kabacan, North Cotabato/May 23, 2012) ---Para kay USM Philosophy & Sociology Department Chair Marcos Monderin, nakakademoralized umano sa Judiciary ang pagharap sa impeachment trial ni chief Justice Renato Corona, kahapon.

Energy saving lamps ipapamahagi sa Distrito Uno ng Cotabato


(Midsayap, North Cotabato/May 22, 2012) ---Alinsunod sa mandato ng DOE o Department of Energy, ipapamahagi sa mga qualified beneficiaries sa unang distrito ng North Cotabato ang higit sampung libong energy saving lamps na kung tawagin ay Compact Fluorescent Lamps o CFL.

Climate Justice, tinalakay sa 7th Mindanao Summer youth Peace Camp!


(Upi, Maguindanao/May 22, 2012) ---Pangunahing tinalakay sa ginanap na 7th Mindanao Summer Youth Peace Camp sa Upi Agricultural School Provincial Technical Institute of Agriculture Social Hall, Upi, Maguindanao ang Climate Justice.

Ito ay binigyang paliwanag ni Mark Mandar ng Kilusang Maralita sa Kanayunan na isa sa mga naging lecturer, ayon sa report ni Upi, Maguindanao News Correspondent Hannadi Guaimad.

MILF Nagbigay ng Update sa 10 point agreement ng GPH-MILF sa mga Kabataan


(Upi, Maguindanao/May 22, 2012) ---Nagbigay ng update tungkol sa 10 point agreement ng GPH-MILF nitong araw ng Linggo ang  Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa mga miyembro ng Alyansa ng Kabataang Mindanao Para sa Kapayapaan  (AKMK) sa isinagawang forum na kabahagi  ng limang araw na 7th Mindanao Summer Youth Peace Camp sa Upi Agricultural School.

(Update) Magkapatid na pinatay ng NPA sa Makilala, North Cotabato inihatid na sa kanilang huling hantungan


(Makilala, North Cotabato/May 22, 2012) ---Inilibing na noon pang Huwebes ang magkapatid na Marlon at Randy Sulutan, kapwa mga residente ng Barangay Cabilao, Makilala, na pinatay ng mga rebeldeng New Peoples’ Army o NPA, noong a-13 ng Mayo.
         
Inilibing ang dalawa sa kanilang bukid sa Barangay Cabilao.
         
Sinabi ni Armando Laman, kagawad ng barangay, na tumulong ang Makilala LGU para sa pagpapalibing ng mga Sulutan brothers.

Preliminary conference patungkol sa kasong sibil na isinampa ng isang opisyal ng Kidapawan City LGU kontra sa DoE, Napocor at iba pa isinagawa


(Kidapawan City/May 22, 2012) ---Pinadi-dismis ng Napocor at ng iba pang power agencies – sa pamamagitan ng kanilang mga abogado -- ang kasong sibil na isinampa laban sa kanila ni Kidapawan City Vice-Mayor Joseph Evangelista sa preliminary conference na ginanap nitong Biyernes sa sala ni Judge Rogelio Naresma ng Regional Trial Court o RTC branch 17.
       
Kinuwestyun din ng Napocor ang jurisdiction o kapangyarihan ng korte para resolbahin ang mandamus na isinampa ni Evangelista.
       
Pero hindi dito sumentro ang pagtatanong ng korte.

Pag-iinspeksiyon sa mga dormitories at eskwelahan sa bayan ng Carmen at Kabacan, sisimulan na ng BFP-Kabacan, ngayong linggo


(Kabacan, North Cotabato/May 22, 2012) ---Kasabay ng pagbubukas ng klase sa susunod na buwan, magsasagawa naman ngayong araw ng inspeksiyon ang pamunuan Bureau of fire Protection Kabacan sa lahat ng mga eskwelahan at dormitories dito sa bayan ng Kabacan.

Ito ang sinabi kahapon ni Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon kungsaan inihahanda na nila ang mga hakbang kaugnay sa nasabing inpeksiyon kasama ang Municipal Local Government at ang PNP.

TLE Teachers sa buong R-12, sumasailalim sa 5 araw na training sa K+12 sa USM, Kabacan

(USM, Kabacan, North Cotabato/May 22, 2012) ---Pormal ng nagsimula kahapon ang limang araw na training ng mga Technology and Livelihood Education o TLE Teachers na isinasagawa ngayon dito sa University of Southern Mindanao kungsaan ang USM ang service Provider.

Ayon kay Training Coordinator Dr. Kutin Kulano, abot sa mahigit sa apat na daang mga guro buhat sa ibat-ibang mga probinsiya sa buong Region ang dumadalo sa nasabing training.

Pag-iinspeksiyon sa mga dormitories at eskwelahan sa bayan ng Carmen at Kabacan, sisimulan na ng BFP-Kabacan, ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/May 22, 2012) ---Kasabay ng pagbubukas ng klase sa susunod na buwan, magsasagawa naman ngayong araw ng inspeksiyon ang pamunuan Bureau of fire Protection Kabacan sa lahat ng mga eskwelahan at dormitories dito sa bayan ng Kabacan.

Ito ang sinabi kahapon ni Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon kungsaan inihahanda na nila ang mga hakbang kaugnay sa nasabing inpeksiyon kasama ang Municipal Local Government at ang PNP.

Ilang mga guro ng USM at mga grupo ng Kabataan, tutol din sa gagawing concert ni Lady Gaga na magsisimula na ngayong gabi

(Kabacan, North Cotabato/May 21, 2012) ---Para kay USM College of Education guidance counselor Sonia Almazan, tutol ito sa gaganaping concert ni Lady Gaga, ang sikat na Pop singer mula sa Amerika na isasagawa na mamayang gabi dito sa Pilipinas.

Aniya, ang ipinapakita kasi ng Pop singer ay taliwas mismo sa kultura ng Pilipino partikular na ang kanyang mga pananamit at ang mga salitang ginagamit nito sa kanyang pag-awit.

Dagdag pa nito, na hindi umano magiging maganda ang impak nito para sa kanilang mga manonood partikular na ang mga bata.

Linya ng kuryente nadaganan ng punong kahoy dahilan ng mahabang power interruption sa service area ng Cotelco

(Matalam, North Cotabato/May 21, 2012) ---Nakaranas ng mahigit sa isang oras na brown-out ang buong service area ng Cotabato Electric Cooperative o cotelco kaninanng umaga matapos na matamaan ng puno ng Marang ang 69KV line ng Cotelco o itong tinatawag na Mt. Apo line.

Sa panayam ng kay cotelco Spokesperson Vincent Lore Baguio, natagalan umanong mahanap ang nasirang linya kung kaya’t di agad na kumpuni dahil sa nagsagawa pa sila ng survey.

Sniffing dog ng Kabacan PNP, dumating na!

(Kabacan, North Cotabato/May 21, 2012) ---Dumating na kahapon ng umaga ang K-9 unit o sniffing dog na inisyu ng Camp Crame sa Kabacan PNP.

P01 Philip Genove, K-9 handler
Ayon kay P01 Philip Genove, K-9 handler, nagkakahalaga ng kalahating milyon ang nasabing aso na may lahing Beljan Shepherd.

Mismong ang handler nito ang sumundo sa pier sa General Santos city dakong ala una ng umaga kahapon.

Ang mga sniffing dogs ay ginagamit sa pagdedetermina kung ang isang bagay ay positibo sa IED o anumang mga illegal na laman.

Ito ay kung tatagal o uupo ang nasabinga aso sa nasabing bagay.

1 sugatan sa panibago na namang bakbakan ng naglalabang grupo sa Carmen, North Cotabato; mga nagsilikas na pamilya umakyat na sa mahigit sa 200

(Carmen, North Cotabato/May 21, 2012) ---Sugatan ang isang 35-anyos na lalaki makaraang sumiklab na naman ang nangyaring bakbakan ng dalawang grupo nitong umaga ng Biyernes sa may Sitio Misalan, Brgy. Tonganon, Carmen, North Cotabato.

Kinilala ni 6th Division chief Public Affairs Col. Prudencio Asto ang sugatan na si Abubakar Ali, pinaniniwalaang lider sa grupo ni Teo Mananimbong ng Moro National Liberation Front o MNLF.

Lalaki, iniwang duguan sa isang plantasyon ng tubo sa Kabacan makaraang masaksak

(Kabacan, North Cotabato/May 20, 2012) ---Nakahandusay at wala ng malay ng matagpuan ang duguang lalaki sa may Brgy. Malanduage, Kabacan, Cotabato dakong alas 8:20 ng gabi nitong Sabado.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Roel Lamangin, nasa tamang edad at residente ng Purok 1, brgy. Osias ng nabanggit na bayan.

Tree Planting activity; isinagawa ng mga militar sa water reservoir ng Asik-asik Falls

(Alamada, North Cotabato/May 19, 2012) ---Abot sa 50 iba’t-ibang mga puno ng kahoy ang ngayon ay itinanim sa mismong water reservoir ng Asik-Asik Falls ng mga kasapi ng APO FRATERNITY, militar at iba pang organisasyon sa isinagawang tree growing nila ngayong araw.

Ayon kay Lt. Aries dela Cuadra ng 7th IB, 6ID, Phil Army layon ng nasabing aktibidad na mapangalagaan ang paligid ng nasabing kabundukan kungsaan makikita ang asik-asik water falls.

Lalaki arestado dahil sa pagdadala ng illegal na droga

(Kabacan, North Cotabato/May 18, 2012) ---Mas pinaigting ngayon ng Kabacan PNP ang kanilang kampanya kontra illegal na droga dito sa bayan ng Kabacan.

Katunayan sunod-sunod ang ginagawa nila operasyon upang mahinto ang talamak na paggamit at bentahan ng illegal na droga partikular na ang shabu sa bayan.