(Upi, Maguindanao/May 22, 2012) ---Nagbigay
ng update tungkol sa 10 point agreement ng GPH-MILF nitong araw ng Linggo ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa mga miyembro
ng Alyansa ng Kabataang Mindanao Para sa Kapayapaan (AKMK) sa isinagawang forum na kabahagi ng limang araw na 7th Mindanao
Summer Youth Peace Camp sa Upi Agricultural School.
Ipinaliwanag ni Samin Unti, kumatawan kay MILF
Peace panel Chairman Mohagher Iqbal, ang nilalaman ng nilagdaang 10-point
agreement sa pagitan ng Government of the Philippines at Moro Islamic
Liberation Front (GPH-MILF) sa ginanap na 27th Exploratory Talks sa Kuala
Lumpur, Malaysia nitong Abril 24, 2012.
Sa open forum ay tinanong ng mga kabataang
Ips si Unti kung kasama ba sa usapin ang mga adhikain ng mga
katutubong Mamayan o IPs ng Mindanao.
Paliwanag ni Unti, “Kasama sa usaping
ito ang lahat mga kapatid na Indigenous People, katunayan ay miyembro
ng panel si Datu Antonio Kinoc, isang Blaan at isa
pang consultant si Timuay Melanio Ulama, mula sa tribung Teduray”.
Samantala, sa panig naman
ng government panel ay miyembro si Mayor Timuay Ramon A. Piang Sr, ng Upi,
Maguindanao mula sa Tribung Teduray. (Hannadi Guiamad)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento