Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sniffing dog ng Kabacan PNP, dumating na!

(Kabacan, North Cotabato/May 21, 2012) ---Dumating na kahapon ng umaga ang K-9 unit o sniffing dog na inisyu ng Camp Crame sa Kabacan PNP.


P01 Philip Genove, K-9 handler
Ayon kay P01 Philip Genove, K-9 handler, nagkakahalaga ng kalahating milyon ang nasabing aso na may lahing Beljan Shepherd.

Mismong ang handler nito ang sumundo sa pier sa General Santos city dakong ala una ng umaga kahapon.

Ang mga sniffing dogs ay ginagamit sa pagdedetermina kung ang isang bagay ay positibo sa IED o anumang mga illegal na laman.

Ito ay kung tatagal o uupo ang nasabinga aso sa nasabing bagay.


Sa ngayon ay may isang taong supply ng pagkain ang nasabing aso mula sa camp crame at posibleng sasaluin naman ng LGU-Kabacan ang maintenance ng nasabing sniffing dog. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento