Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

TLE Teachers sa buong R-12, sumasailalim sa 5 araw na training sa K+12 sa USM, Kabacan

(USM, Kabacan, North Cotabato/May 22, 2012) ---Pormal ng nagsimula kahapon ang limang araw na training ng mga Technology and Livelihood Education o TLE Teachers na isinasagawa ngayon dito sa University of Southern Mindanao kungsaan ang USM ang service Provider.


Ayon kay Training Coordinator Dr. Kutin Kulano, abot sa mahigit sa apat na daang mga guro buhat sa ibat-ibang mga probinsiya sa buong Region ang dumadalo sa nasabing training.

Dalawampu’t isang mga areas ng TLE ang bibigyang diin sa nasabing training kabilang na ang components sa Agriculture, industrial arts at HE.

Mayroong pitong mga trainers mula sa Region 12 habang lima naman mula dito sa USM.

Ang nasabing traning ay isinasagawa sa iba’t-ibang mga tertiary schools sa Region 12 at magtatapos na May 25.

Una dito, tiniyak naman ng service provider ng USM na ang lahat ng mga partisipante ay maayos na accommodate sa hostel, hotel at iba pang mga accredited boarding houses at dormitories dito sa bayan ng Kabacan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento