Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kauna-unahang Gender Welfare Assistance Center o GWAC sa North Cotabato, pasisinayaan sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/May 24, 2012) ---Pasisinayaan ang kauna-unahang Gender Welfare Assistance Center o GWAC sa probinsiya ng North Cotabato na makikita sa Kabacan Terminal Complex.


Gagawin ang inagurasyon sa May 29, 2012 kungsaan mismong si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang magiging panauhing pandangal.

Ayon kay Tourism Designate Officer Sarrah Jane Guererro ang nasabing proyekto ay bahagi ng programa ng LGU na isinusulong ni Kabacan Mayor George Tan upang mabigyan ng importansiya ang mga bumabiyaheng ina na mapasuso ang kanilang mga sanggol sa nasabing center. 
                                      
Maaari rin umanong makapagpahinga ang mga inang may maraming anak na bumibiyahe sa nasabing Gender Welfare Assistance Center bukod pa sa may urinal area din para sa mga bata at maari ring makapag-change ng diaper ang mga ina sa kanilang baby na makikita sa mismong Kabacan Terminal complex. 
                                                  
Ang GWAC ay pangangasiwaan din ng MSWDO at ng Local Council of Women sa pangunguna ni LCW President Yvonne Saliling. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento