(USM, Kabacan, North Cotabato/May 23, 2012)
---Para kay USM Philosophy & Sociology Department Chair Marcos Monderin,
nakakademoralized umano sa Judiciary ang pagharap sa impeachment trial ni chief
Justice Renato Corona, kahapon.
Aniya, ang tinitingalang punong mahistrado
ng kataastaasang hukuman ay siyang nasasakdal na dapat sana ay siya ang
magbibigay ng hatol.
Tinawag pa ni Monderin na personal umano ang
pagharap ng Punong Mahistrado, ito upang linisin ang kanyang pangalan.
Sa kanyang opening statement kahapon,
iginiit ng punong mahistrado na walang siyang kasalanan partikular na sa taong
bayan, dahil tiyak aniyang bibitaw na sa pwesto ang mataas na opisyal at din a
ito makipaglaban kung totoong may kasalanan ito.
Wika pa nito na sapul sa simula ay naging
malinis ang kanyang konsensiya.
Naniniwala naman si Monderin na sinunod
umano ni Chief Justice Renato Corona ang perception ng nakakarami na kapag di
umano nito sisiputin ay nagpapatunay lamang na siya ay guilty, pero hindi
ibigsabihan na kapag nagpakita ito at nagtestify sa trial ay hindi na siya
guilty.
Samantala, naging emosyunal naman ang punong
mahistrado na sabihin nitong kalbaryo ang kanilang pinagdadaanan ng kanyang
pamilya sa nakalipas ng limang buwan.
Aniya, lahat ng kasinungalingan at maging ang
lahat ng putik ay itinapon sa kanya at sa kanyang pamilya.
Sa kabila ng pagbabanta ng kahihiyan at
kapahamakan lumaban ang punong mahistrado, bwelta nito na naging malakas siya
dahil alam nitong walang katotohanan ang lahat ng paratang at bentang laban sa
kanya. (Rhoderick Benez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento