(Midsayap, North Cotabato/May 22, 2012) ---Alinsunod sa mandato ng DOE o Department of
Energy, ipapamahagi sa mga qualified beneficiaries sa unang distrito ng North
Cotabato ang higit sampung libong energy saving lamps na kung tawagin ay
Compact Fluorescent Lamps o CFL.
Sa ilalim ng Philippine Energy Efficiency
Project o PEEP, magsisikap ang national government na makatipid ng enerhiya sa
pamamagitan ng distribusyon ng energy saving lamps sa mga kabahayan sa buong
bansa.
Ang distribusyon ng CFLs sa North Cotabato
First District ay pangungunahan ng tanggapan ni Cong. Jesus Sacdalan kasama ang
mga kinatawan ng DOE.
Magiging responsibilidad din ng tanggapan ng
opisyal ang pagdidisenyo ng distribution
strategy na akma sa distritong nasasakupan nito.
Magmumula naman sa Cotabato Electric
Cooperative o COTELCO ang household listings na siyang gagamiting basehan sa
pagpili ng mga benepisyaryo.
Sa district one ng North Cotabato, nakasaad
sa kasunduang nilagdaan sa pagitan ni DOE Secretary Jose Almendras at Cong.
Sacdalan na 5,000 households sa district one ang kabuuang bilang ng
makikinabang sa proyektong ito.
Ibig sabihin, sa implementasyon ng proyekto
ay dalawang energy saving lamps ang matatanggap ng bawat bahay na pumasa sa
kwalipikasyong itinakda ng gobyerno. (Roderick
Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento