(Carmen,
North Cotabato/May 21, 2012) ---Sugatan ang isang 35-anyos na lalaki makaraang
sumiklab na naman ang nangyaring bakbakan ng dalawang grupo nitong umaga ng
Biyernes sa may Sitio Misalan, Brgy. Tonganon, Carmen, North Cotabato.
Kinilala
ni 6th Division chief Public Affairs Col. Prudencio Asto ang sugatan
na si Abubakar Ali, pinaniniwalaang lider sa grupo ni Teo Mananimbong ng Moro
National Liberation Front o MNLF.
Batay
sa report tumagal ng 15 minuto ang palitan ng putok sa naglalabang grupo na
pinamumunuan ni kumander Karim Sagadan ng 110th Base command ng Moro Islamic Liberation
Front.
Nagpalala
pa sa nasabing sagupaan matapos na sumali sa bakbakan ang mga CVO’s ng nasabing
Barangay.
Samantala,
mabilis namang isinugod sa Aleosan District Hospital ang sugatan para malapatan
ng karampatang lunas.
Samantala,
umabot na sa 287 na mga pamilya ang nagsilikas matapos na maipit sa nasabing
kaguluhan sa lugar.
Ang
mga bakwit ay pansamantalang nanunuluyan ngayon sa brgy Lawili at Brgy Panay
kapwa mga brgy sa bayan ng Aleosan.
Humupa
ang nasabing palitan ng putok sa dalawang grupo matapos na dumating sa lugar
ang tropa ng Bravo Company, 7IB na pinamumunuan ni 1Lt. Luis Banoey para
i-pacify ang nag-aaway na grupo. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento