(Kabacan, North Cotabato/May 21, 2012) ---Para
kay USM College of Education guidance counselor Sonia Almazan, tutol ito sa
gaganaping concert ni Lady Gaga, ang sikat na Pop singer mula sa Amerika na
isasagawa na mamayang gabi dito sa Pilipinas.
Aniya, ang ipinapakita kasi ng Pop singer ay
taliwas mismo sa kultura ng Pilipino partikular na ang kanyang mga pananamit at
ang mga salitang ginagamit nito sa kanyang pag-awit.
Dagdag pa nito, na hindi umano magiging
maganda ang impak nito para sa kanilang mga manonood partikular na ang mga
bata.
Maging si Jennifer Cardo ng CEGP greater
Cotabatao ay di umano sumasang-ayon sa nasabing concert ng Pop Singer.
Sinabi ni Cardo na ang mga Pilipino ay
conservative at di umano nababagay na istilo ng kanyang concert dahil sa
sobrang sexy daw umano nito at di magandang tularan partikular na sa mga batang
manonood.
Ayon naman sa ilang mga kabataan, na
sumusuporta sa concert ng singer, bahagi lamang umano ng expression of the arts
ang ipapakitang concert ni Lady Gaga.
Payo naman ng ilan, sa mga tutol sa
konsierto ng ainger ay wag nalang panoorin ito.
Samantala, wala umanong dapat ikabahala ang
entourage ni Lady Gaga at mga fans na manonood sa kanyang concert mamayang
gabi.
Si Lady Gaga ay nasa bansa para sa kanyang
concert tour kungsaan dalawang gabi itong mag-peperform.
Kaugnay nito, hinimok ng ilang mga religious
at civil groups ang gagawing concert ni US Pop Singer simula mamayang gabi at
bukas.
Sinabi naman ni Atty. Romulo Macalintal na
ang pagka-anti Christ ng ilang awitin ni Lady Gaga ang dahilan kung bakit
tinututulan nila ang nasabing concert na gagawin sa SM Mall of Asia. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento