Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki, iniwang duguan sa isang plantasyon ng tubo sa Kabacan makaraang masaksak

(Kabacan, North Cotabato/May 20, 2012) ---Nakahandusay at wala ng malay ng matagpuan ang duguang lalaki sa may Brgy. Malanduage, Kabacan, Cotabato dakong alas 8:20 ng gabi nitong Sabado.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Roel Lamangin, nasa tamang edad at residente ng Purok 1, brgy. Osias ng nabanggit na bayan.


Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad nabatid na natagpuan ang biktima sa plantasyon ng tubo nina Kapitan Hadji Ali Makina at Alberto Nicolas nabagok ang ulo matapos magtamo ng maraming sugat sa ulo makaraang paghahampasin ng isang matigas na bagay ng mga di pa nakilalang mga salarin.

Bukod sa sugat sa ulo, nagtamo din ng sugat ang biktima sa kaliwang bahagi ng kanyang kili-kili makaraang masaksak.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa USM Hospital para malapatan ng karampatang lunas.

Ayon sa report, pupunta sana ang biktima sa nasabing brgy kasama ang mga kasamahan nito na di pa kinilala sa report upang magbenta ng agr-cehemicals ng tambangan ang biktima ng mga di pa nakilalang mga suspetsado.

Samantala, inilipat naman ang biktima sa Amas, Kidapawan city makaraang kritikal na ang kondisyon nito. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento