(Alamada,
North Cotabato/May 19, 2012) ---Abot sa 50 iba’t-ibang mga puno ng kahoy ang
ngayon ay itinanim sa mismong water reservoir ng Asik-Asik Falls ng mga kasapi
ng APO FRATERNITY, militar at iba pang organisasyon sa isinagawang tree growing
nila ngayong araw.
Ayon
kay Lt. Aries dela Cuadra ng 7th IB, 6ID, Phil Army layon ng
nasabing aktibidad na mapangalagaan ang paligid ng nasabing kabundukan kungsaan
makikita ang asik-asik water falls.
Kabilang
sa mga punong kahoy na kanilang itinanim ay ang puno ng kape, mahogany, marang
at iba pang mga hard wood.
Ang
nasabing Gawain ay bilang bahagi ng pangangalaag sa kalikasan na siya ring
programa ng pamahalaang nasyunal na suportado ng provincial government sa
pamumuno ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at ng LGU Alamada.
Ang
asik-asik Falls ang isa sa mga pinaka tanyag ngayon na apring falls at isa sa
pinakamagandang water falls sa Southeast Asia. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento