Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Linya ng kuryente, umabot na sa isang malayong barangay sa Midsayap, NCot

(Midsayap, North Cotabato/May 24, 2012) ---Sa matagal na panahong hinintay ng mga residente ay umabot na nga ang linya ng kuryente sa Barangay Kadingilan, isang malayong komunidad na sakop ng bayan ng Midsayap, North Cotabato.


Ipinapaabot naman ni Kadingilan Barangay Chairman Peng Lakiman ang pasasalamat nito sa gobyerno dahil sa pagpapatupad ng elektripikasyon sa sa kanilang barangay.
Ayon sa district office ni Cong Jesus Sacdalan, ang implementasyon ng proyektong ito ay ipinapatupad ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO.

Ang inisyatibong ito ay kaugnay parin sa Ilaw para sa Kapayapaan program na itinataguyod ng opisyal sa kanyang distrito katulong ang iba’t- ibang sangay ng gobyerno kabilang ang National Electrification Administration o NEA.

Isa ang barangay Kadingilan sa naapektuhan ng kaguluhan ng lumipas na mga taon.

Sinisikap ng pamahalaan na matulungan ang mga komunidad na nagsisimulang muli. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapa-abot ng mga proyekto tungo sa kapayapaan at kaunlaran. (Roderick Bautista)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento