(USM, Kabacan, North Cotabato/May 28, 2012)
---Darating sa June 2 – 3 ang mga kinatawan ng Professional Regulatory
Commission o PRC mobile team ditto sa University of southern Mindanao o USM
para sa lahat ng mga fresh graduates na kukuha ng licensure examinations.
Ayon kay USMFA Pres Dr. Anita Tacardon, USM
Review Center Manager ang nasabing hakbang ay bilang tugon nila sa mga kukuha
ng licensure exam upang hindi na pipila ng mahaba at ng sa ganun ay makatipid
na rin ng pera pamasahe papunta ng Davao city.
Ayon sa opisyal sa umaga ng June 2 lahat ng
mga reviewers ng USM ang kanilang i-cacater maliban na lamang sa mga re-takers
at sa hapon naman ang mga non-usm graduates.
Pinayuhan naman ni Dr. Tacardon ang lahat ng
mga mag-file na ngayon pa lamang ay asikasuhin na ang inyung mga requirements
kagaya ng TOR, Birth certificate, Examination fee at iba pa.
Para sa karagdagang impormasyon maaring
tumawag sa USMFA Office sa 064-248-2898. (Rhoderick Benez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento