Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Farmer- irrigators mangunguna sa ipinagpapatuloy na tree growing sa Alamada- Libungan watershed

(Alamada, North Cotabato/May 31, 2012) ---Nakatakdang gawin ngayong darating na June 7- 8 ang sabayang tree growing activity sa kabundukan ng Alamada, North Cotabato kasama ang iba’t- ibang grupo ng magsasaka at iba pang ahensya ng gobyerno.


Layunin ng gawaing ito na paigtingin pa ang kampanya upang sagipin ang Alamada- Libungan watershed.
Inihayag ni Midsayap-Pigcawayan-Libungan-Northern Kabuntalan o MPLK Federation of Irrigators Associations President Dante Cudal na hinikayat mismo nila ang mga kapwa magsasaka na muling tamnan ng punong kahoy ang bahagi ng kabundukang nakakalbo na.

Pinangunahan nila ang gawaing ito upang maiwasan ang pagbaha sa mababang bahagi ng Midsayap, Libungan at Pigcawayan.

Dagdag ng opisyal, suporta na rin umano ito sa National Greening Program na itinataguyod ng iba’t- ibang ahensya ng gobyerno.

Nagsisilbi umanong catch basin ang kanilang mga palayan ng Libungan River. Sa panahon ng bagyo ay maaring manganib ang kanilang mga sinasakang lupa sakaling tumaas ang tubig sa mga ilog.

Kaya naman dapat lang umano silang makiisa sa muling pagpaparami ng mga punongkahoy sa kabundukan.

Ayon sa tanggapan ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan, una nang namahagi ng 8000 arabica coffee seedlings ang Department of Agriculture Region XII upang itanim sa mataas na bahagi ng Alamada bilang bahagi ng climate change mitigation initiatives ng pamahalaan.

Target ng mga mga magsasaka, National Irrigation Administration at DA- Region XII na makapagtanim ng 500 seedlings sa dalawang araw na tree- growing. Dagdag umano ito sa abot humigit kumulang 7 thousand seedlings na una nang naitanim sa lugar. (Roderick Bautista)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento