Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Estudyante ng USM, ninakawan ng laptop

(Kabacan, North Cotabato/May 31, 2012) ---Ninakaw ang isang kulay gray na laptop na may brand name na Compaq dual core T3500 na pag-mamay-ari ng isang estudyante ng USM na pansamantalang nanunuluyan sa Salcebar Apartment na nasa Corner Sunrise at Sinamar 1, Poblacion, Kabacan.

Kwento ng estudyante na ayaw ipabanggit ang pangalan, at residente ng Pigcawayan, North Cotabato nangyari umano ang panloloob dakong alas 8:30 hanggang alas 11:00 kaninang umaga habang wala siya sa kanilang  boarding house at nasa eskwelahan.

Ito dahil bukas ang kanyang kwarto at inakyat umano ng di pa nakilalang magnanakaw ang kanilang pader batay sa mga bakas na kanilang nakita sa mga halamanan at bulb wire.

Kaya panawagan ng nasabing estudyante sa publiko na kapag may mag-alok sa inyu ng pabentang laptop agad na siyasatin ito at i-report sa pulis dahil baka ikaw ay biktima ng GSM na gamit o “Galing sa Magnanakaw”. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento