(USM, Kabacan, North Cotabato/May 28, 2012)
---Nasungkit ng Mindanao Tech, ang ika-apat na pwesto bilang isa sa
pinakamahusay na pang-kampus na magasin at pangkolehiyo sa buong bansa sa
katatapos na 72nd National
Student Press Convention sa Palawan State University, Puerto Princesa City
Palawan noong May 14-18, 2012.
Ayon kay Dept. English Language and Literature
Chairperson Marlon T. Salvador, English Adviser ng Mindanao Tech namayagpag sa
nasabing pwesto ang official Student Publication ng University of Southern
Mindanao na ang issue ay mula Nov 2011-April 2012.
Kasama ni Prof Salvador ang delegado ng USM
sa katauhan ni Juliet Pangalinon, BS Devcom at Associate Editor ng Mindanao
Tech.
Abot sa anim na pung mga kalahok mula sa
pinaka-malalaking mga kolehiyo at Pamantasan sa buong Pilipinas ang sumali sa
nasabing kompetisyon kabilang na dito ang: The Torch ng Philippine Normal
University; AteNews ng Ateneo de Davao University; Technoscope ng Pangasinan
State University at iba pa.
Nabatid na ang Mindanao Tech ay opisyal na
Student Publication ng USM at kasapi ng student Guild of the Philippines o
CEGP. (Rhoderick Benez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento