Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM Security Force; all set na sa seguridad sa pagbubukas ng klase sa USM; 4days school week, pinaghahandaan na rin

(USM, Kabacan, North Cotabato/May 29, 2012) ---Pitong araw bago ang nalalapit na pasukan sa University of Southern Mindanao, tiniyak ngayon ni USM Security Services and Management Director Orlando Forro ang seguridad sa loob ng USM main campus.


Ayon sa opisyal pinulong na nito kahapon ang buong pwersa ng security forces ng USM para bigyan ng kanya-kanyang designation sa pagbubukas ng klase sa Hunyo a-4.

Batay sa inisyal na imporamasyon posible umanong aabot sa mahigit sa labin pitong libung mag-aaral ang babalik eskwela at dadagsa sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao.

Una dito, may mga inilatag na rin silang security measure sa 7 to 7 na klase ng USM mula Lunes hanggang Huwebes na lamang.

Sinabi pa ng opisyal na may automatic barriers na rin ang guard house na nasa USM Main gate upang lolog-book ang mga pribadong sasakyan bago makapasok.

Planu rin ng USM Security Services and Management na maglalagay ng perimeter fence sa paligid ng pamatasan upang magkaroon na ng isang entrance at exit ang USM upang mamonitor nila ang lahat ng mga sasakyang pumapasok sa loob ng USM, main campus.

Ang USM ang isa sa pinakamalaking Unibersidad sa bahaging ito ng Southwest Mindanao na patuloy na nagbibigay ng kalidad na edukasyon kasama ang mga faculty and staff na sinasabing mga de-kalibreng mga guro. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento