(Magpet, North Cotabato/May 28, 2012)
---Isang 65-taong gulang na lolo ang natangay ng malakas na agos ng tubig mula
sa dike sa Barangay Binay, Magpet, kagabi.
Bandang alas-7 ng umaga, kanina,
natagpuan ang bangkay ni Datu Jose Embac, sa may Barangay Alegria, President
Roxas.
Ayon sa report ng Municipal Disaster
Risk Reduction Management Council o MDRRMC ng Magpet LGU, papatawid sa ilog ang
matanda, bandang alas-6 kagabi, nang matangay ng baha.
Di raw kasi inakala ng biktima na
tataas nang lagpas dibdib ang tubig sa Kabacan River kaya niya tinawid ang dike.
Umapaw ang Kabacan River sa may
Barangay Binay, Magpet, dalawang araw makaraang mawasak na namang muli ang
concrete flood-control dike sa may boundary ng mga bayan ng Magpet at President
Roxas, North Cotabato.
Una nang na-monitor ang pagkasira ng
dike noong July 2011.
Nawasak uli ito noong nakaraang
Huwebes nang magtuluy-tuloy ang mga pag-ulan sa bukid.
Nanguna sa retrieval operations ang
MDRRMC Magpet, Philippine Red Cross Cotabato chapter, at iba pang mga rescue
groups ng President Roxas at Magpet, North Cotabato. (MCM/Mindanao cross)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento