(Kabacan, North Cotabato/May 31, 2012) ---Naging
matagumpay sa kabuuan ang katatapos na Brigada Eskwela sa Kabacan Pilot
Elementary School, isa sa pinakamalaking pampublikong paaralan sa bayan ng
Kabacan.
Ayon kay Kabacan Pilot Elementary School
Principal Annie Roliga, dinagsa ng maraming volunteers, mga magulang at guro ang
taunang programa ng Department of Education o DepEd.
Katuwang din ng nasabing paaralan ang
Kabacan PNP sa pamumuno ni P/Supt. Raul Supiter na tumulong din sa pag-aayos at
paglilinis sa nasabing paaralan.
Nag-simula naman ang enrolment sa nasabing
paaralan nito pang Lunes hanggang sa a uno ng Hunyo kungsaan nilinaw ni Roliga
na ipinapatupad nila ang zero collection sa enrolment.
Aabot sa mahigit sa dalawang libung
mag-aaral ang balik eskwela sa Kabacan Pilot elementary School batay sa
tinataya ng punong guro.
Paliwanag pa ng opisyal na sa June 4 ay
umpisa na ng klase at nilinaw nito na wala ng gagawin pang paglilinis at
enrolment kungsaan iginiit nito na dapat lahat ng mga mag-aaral ay nasa
paaralan na kasama na sito ang mga transferees dahil simula na ng pormal na
klase.
Samantala may isasagawa namang entrance exam
sa lahat ng mga nasa section A o yung tinatawag nilang Speed FL o Fast Learner
simula sa June 1. Para naman sa grade 1 ang special section ay agad na
pinapakuha agad ng entrance exam. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento