(Kabacan,
North Cotabato/May 28, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng tatlo katao makaraang
mahulihan ng mga elemento ng Kabacan PNP ng ipinagbabawal na gamut sa
isinagawang visibility patrol at kampanya kontra kriminalidad sa bahagi ng
Purok Crislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato nitong umaga ng Biyernes.
Kinilala
ng Kabacan PNP ang mga nahuli na sina: Jerome Romo Polangcos, 43, may asawa at
residente ng Poblacion, Makilala; Norodin Mokalam Jalani, 33, magsasaka at
residente ng Purok Chrislam, Kabacan at Rudin Makadatu Kulvincial, 27,
residente ng Pagalungan Datu Montawal.
Ayon
sa report, nagsipulasan umano ang mga tao sa isang maliit na bahay ng matunugan
nila ang presensiya ng mga otoridad at mismong isa sa mga pulis ang nakakita ng
itapon ng isang lalaki ang hawak nitong bagay sa taas ng bubong sa katabing
bahay.
Agad
na dinala ang tatlo sa himpilan ng pulisya kasama ang mga narekober na tatlong
heat sealed plastic sachet, tatlong open sachet na naglalaman ng white
crystalline na pinaniniwalaang shabu matapos na siyasatin ng K9 unit sa
pamamagitan ni P01 Genove.
Bukod
sa nabanggit narekober din sa nasabing bahay ang 11 aluminum foil, disposable
lighter, small plastic container na may
sulat na “tawas” na pinaniniwalaang may lamang shabu.
Kasama
sa nasabing operasyon ang BPATS at ang brgy. Peace keeping action team.
Samantala,
nabatid na ng Kabacan PNP na ang naarestong si Jalani ay nahaharap din pala sa
kasong paglabag sa section 11 ng article 2 ng Republic Act 9165 na may criminal
case number 11-30.
Sa
ngayon inihahanda na ng Kabacan PNP ang kasong isasampa laban sa tatlo. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento