Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Public- private partnership, solusyon sa problema ng isang high school sa Libungan, NCot

(Libungan, North Cotabato/May 28, 2012) ---Isinagawa kamakailan ang konsultasyon kaugnay ng lumalaking damage o pinsalang idinulot ng Libungan River sa likurang bahagi ng isang pampublikong paaralan sa bayan ng Libungan.


Bilang kinatawan ni North Cotabato First District Cong. Jesus Sacdalan, hinikayat ni Joselito “Joel” Sacdalan ang mga residente at iba pang stakeholders ng Barangay, Nicaan sa Libungan na makipagtulungan sa pamahaalaan upang masolusyunan na ang problemang kinakaharap ng Nicaan High School, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Dagdag ni Sacdalan, sa pamamagitan umano ng public- private partnership ay magtutulungan ang gobyerno at pribadong sektor na tukuyin at ipatupad ang immediate interventions kaugnay sa problemang ito.

Ayon kay Principal Gregoria Dacoroon, nababahala sila na baka sa mga darating na panahon ay maanod ang kanilang buong paaralan sanhi ng rumaragasang tubig mula sa Libungan River.

Matagal na rin umanong hinihiling ng parents and teachers community association ng paaralan sa iba’t ibang government line agencies na tutukan ang rechanneling at desilting ng Libungan River sa bahaging ito ng bayan.

Tugon naman ng Community Environment and Natural Resources Office o CENRO, magmumula sa kanilang opisina ang mga binhi ng kawayang itatanim sa gilid ng ilog.

Binigyang diin ni CENRO Jerry Dalauta na mainam itanim ang kawayan sa mga river banks upang maging proteksyon kontra soil erosion.

Isusumite naman ng tanggapan ni Cong. Sacdalan sa DPWH o Department of Public Works and Highways ang resulta ng ginawang konsultasyon. Ihahanda ng DPWH ang plano at disenyo ng akmang infrastructure project para maprotektahan ang nasabing public high school.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento