Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Longest Zipline sa Southeast Asia, itatayo sa North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/May 29, 2012) ---Inaasahang itatayo na sa lalong madaling panahon ang pinakamahabang Zipline sa Southeast Asia na makikita sa Brgy. New Israel sa bayan ng Makilala, North Cotabato.


Ayon kay Tourism Focal Person Ralph Ryan Rafael, abot sa P5M ang inilaang pondo ng provincial government sa nasabing proyekto na ayon sa opisyal ay upang hikayatin pa ang mga turista na dayuhin ang napakagandang probinsiya ng North Cotabato.

Giit ni Rafael na bahagi ito ng mga banner program ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa pagpapalakas ng turismo sa probinsiya dahil naniniwala ang opisyal na ang turismo ay hindi hadlang sa kapayapaan sa North Cotabato.

Sinabi pa ng opisyal na ang turismo ay makakatulong sa pagbibigay ng kapayapaan at pagkakaisa sa mga Cotabateños.

Ilalagay ang Zipline sa bulubunduking bahagi ng Brgy. New Israel kungsaan makikita sa nasabing lugar ang maraming mga unggoy bilang paghikaya’t din sa mga bumibisita.

1.2 kilometro ang haba ng zipline sa unang sakay habang 1 kilometro naman ang haba pabalik. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento