Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

MENRO-Kabacan nananawagan na wag ilabas ang basura kapag hindi schedule ng paghahakot sa inyung lugar

(Kabacan, North Cotabato/May 31, 2012) ---Nagpaalala ngayon ang pamunuan ng Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO sa publiko na wag ilabas ang mga basura kapag hindi schedule ng paghahakot sa inyung lugar.

Ginawa ni MENRO Officer Jerry Laoagan ang pahayag matapos na ilan sa mga kalye sa Poblacion ng Kabacan ay nakikita nitong may mga kumakalat na basura.

Tinukoy pa nito ang bahagi ng sunset drive, na diumano’y kinakalkal ng mga aso ang basura dahil sa inilalabas ng ilang mga residente ang kanilang basura sa kalsada kahit di pa araw ng paghahakot.

Sa ngayon, sakop na ng MENRO ang lahat ng dating kinukuha ng brgy. Poblacion, ito dahil hanggang sa ngayon ay di pa naayos ang brgy. garbage compactor.

Kaya paalala ni Laoagan sa mga residente na maliliit ang daanan na di mapasok ng garbage compactor ng munisipyo na ilabas sa mga designated na lugar ang mga basura.

Narito ang schedule: Para sa Sinamar 1, ilabas ang inyung basura sa araw ng Miyerkules sa Corner Sunrise at Sinamar; Guiang St. ilabas ang basura tuwing araw ng Huwebes sa USM Avenue; Rio Grande, tuwing araw ng Martes ilabas sa likod ng Kabacan Pilot Elementary School, Purok Miracle hahakutin ang inyung mga basura dyan tuwing Huwebes ilabas sa Crossing Miracle at sunset; Purok Kapayapaan, Lapu-lapu St., at Chrislam tuwing araw ng Huwebes at USM Avenue tuwing araw din ng Huwebes.

Nabatid mula kay MENRO Officer Jerry Laoagan na abot sa 10-15 toneladang basura ang nakokolekta ng MENRO araw-araw sa Pobalacion ng Kabacan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento