Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Makilala LGU bibili ng heavy equipment

(Makilala, North Cotabato/May 31, 2012) ---Kung ang Kidapawan City LGU mangungutang ng P75 million sa banko para ibili ng heavy equipment, ang Makilala LGU nakatakdang bumili ng bagong bulldozer na tinaya sa mahigit P20 million.

Ang plano’ng ito ng Makilala LGU ay aprubado na sa Sangguniang Bayan ng Makilala.

Katunayan, kakapasa lamang nila ng resolusyon noong May 25 na nagbibigay ng kapangyarihan kay Makilala Mayor Rudy Caoagdan na magbukas ng ‘Letter of Credit’ sa Land Bank of the Philippines para sa plano’ng ito.

Base sa resolusyon, ang bulldozer na may model SD22 ay a-angkatin ng Makilala LGU mula sa ibang bansa, partikular sa Empire Company Limited, Inc.

Ayon sa Sangguniang Bayan ng Makilala, magagamit ang bulldozer sa pagsasaayos ng mga sira’ng kalsada, lalo na sa mga bulubunduking lugar.

Ang supplier ng naturang bulldozer sa Pilipinas at ang nanalong bidder sa proyekto, base sa resolusyon, ay ang TKC Heavy Industries Corporation na nakabase sa kalakhang Maynila.  (Malu Manar)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento