(Kabacan, North Cotabato/May 30, 2012) ---Timbog
ang isang 41-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na gamot sa
Purok Chrislam, Kabacan, Cotabato dakong ala 1:15 kahapon ng hapon.
Kinilala ng Kabacan PNP ang suspetsado na si
Ting Kasan Pundag, 41, may asawa at residente ng Zone 4, Awang, Cotabato City.
Nakuha mula sa posisyon ni Pundag ang isang
bote na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.
Agad namang inilagay sa kustodiya ng Kabacan
PNP ang nasabing suspetsado habang nakatakdang isampa naman ngayong araw ang
kasong kakaharapin nito.
Si Pundag ang pang-sampung indibidual na
nahuli ng mga otoridad ngayong buwan ito lamang dahil sa illegal na droga.
Sa sampu siyam na dito ang nasampahan na ng
kaso ng Kabacan PNP.
Ito makaraang pina-ugting ngayon ng Kabacan
PNP ang kanilang kampanya kontra illegal na droga.
Aminado naman si Supt. Raul Supiter, hepe ng
Kabacan PNP na talamak ang illegal na droga sa Kabacan partikular na sa
tinaguriang “Drug Den” ang Purok Chrislam.
Tinawag nitong seryosong problema ang
illegal na droga sa Kabacan kung kaya’t hinikaya’t nito ang mga mamamayan na
makipagtulungan sa katunayan marami sa mga nag sumbong sa pamamagitan ng text
na nagresulta sa pagkakahuli ng mga ito. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento