(Kabacan, North Cotabato/May 29, 2012) ---Hinikaya’t
ngayon ni Local Council of Women chairperson Yvonne Saliling ang lahat ng mga
stakeholders, partikular na ang mga transport group at ilang mga sektor ng
kababaihan na suportahan ang Gender Welfare Assistance Center (GWAC) sa bayan
ng Kabacan.
Ayon sa opisyal, ang bayan ng Kabacan ang kauna-unahang
mag-lulunsad ngayong araw alas 8:00 ng umaga ng nasabing center na isasagawa sa
Kabacan Terminal Complex, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato.
Katuwang ng LCW ang LGU Kabacan sa pagpapasinaya ng
Gender Welfare Assistance Center (GWAC) na dadaluhan mismo ni Cotabato Governor
Emmylou “Lala” Taliño Mendoza.
Ang center ay isang cubicle na nasa loob ng terminal
kungsaan may mga pasilidad ito para sa mga nursing mother na doon nila maaring
pasusuin anak o sanggol na dala habang nasa biyahe.
Maliban dito, may mga aklat din sa loob ng GWAC
bilang kids lounge din para sa mga bata na maari nilang basahin habang
naghihintay ng sasakyan.
Dagdag pa ni Saliling na may mga health aspect din
ang GWAC na pangungunahan ng taga-Rural Health Unit kagaya ng BP monitoring at
first aid.
Ang GWAC ay programa ng pamahalaang lokal ng Kabacan
sa pangunguna ni Kabacan Mayor George Tan sa pakikipagtulungan ng Local Council
of Women sa inilatag na proyekto ng Gender and Development Welfare ng LGU para
sa lahat ng mga bumibiyahe partikular na sa mga bata at mga kababaihan.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento