Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nene swak sa multicab

(North Cotabato/ January 10, 2015) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang 6-anyos na batang babae matapos aksidenteng masagasaan ng multicab sa Barangay Binoligan, Kidapawan City alas 2:00 ng hapon kahapon.

Kinilala ng Kidapawan City PNP Traffic Division ang biktima na si Kristelyn Kuyog, residente rin ng Barangay Binoligan.

Police asset, itinumba!

(North Cotabato/ January 10, 2015) ---Pinaniniwalaang ang pagiging impormante nito sa kapulisan hinggil sa pagsusumbong ng mga nagtutulak ng illegal na droga ang posibleng dahilan ng pagkakapaslang sa 60-anyos na Purok President sa Kidapawan City, kahapon.

Kinilala ni Supt. Franklin Anito, pinuno ng Kidapawan City Police ang biktima na si Duya Santos, Purok President ng Phase 2, Habitat subdivision, Kidapawan City.

IED, nasilat!

(Pikit, North Cotabato/ January 10, 2015) ---Nasilat ng mga otoridad ang Improvised Explosive Device o IED na nakalaan sana sa matataong lugar sa bayan ng Pikit subalit hindi na ito nagawa ng suspek na pasabugin matapos na masundan ng mga pulis sa madilim na bahagi ng kalye ng Datu Piang sa bayan ng Pikit, Cotabato alas 10:00 kagabi.

Sa report ng Explosive Ordnance Division o EOD ang nasabing pampasabog ay gawa sa bala ng RPG na hinaluan ng citric acid at nakakabit ito sa isang cellphone na nagsilbing triggering device.

50 katao pa, dawit sa Maguindanao Massacre

(North Cotabato/ January 10, 2015) ---Pormal ng sinampanahan ng kaso ang 50 katao na naidagadag sa listahan na sangkot sa pagplano ng Maguindanao Massacre noong November 23, 2009.

Batay sa ulat, naisampa ang kaso sa presensya nina Maguindanao Provincial Prosecutor Tucod Ronda at isang private prosecutor na si Nena Santos na sinaksihan mismo ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu sa Office ng Provincial Governor sa bayan ng Buluan lalawigan ng Maguindanao noong Martes.

Alegasyon ng pagpupuslit ng illegal drugs sa Cot. District Jail paiimbestigahan ni Gov Taliño-Mendoza

AMAS, Kidapawan City (Jan 10) – Ipinag-utos ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa pamunuan ng Cotabato District Jail o CDJ ang imbestigasyon sa alegasyong may nagaganap na pagpupuslit ng illegal drug sa naturang prison facility.

Ito ay matapos mapag-alaman ng gobernadora na may mga indibidiwal na nagsasagawa ng naturang iligal na gawain kung saan sangkot pa umano ang ilang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP.

Kaugnay nito, sinabi ni Gov. Taliño-Mendoza kay Jail Chief Insp. Jesus V. Singson, Provincial Jail Warden, na magsagawa ng kaukulang imbestigasyon upang malaman kung may katotohanan ang naturang report at mapanagot ang mga sangkot dito.

28 bagong multi-cabs ipamamahagi sa iba’t-ibang bayan sa Cotabato

AMAS, Kidapawan City (Jan. 10) – Abot sa 28 mga bagong multi-cabs ang nakatakdang i-turnover ng Provincial Government of Cotabato sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Cotabato.

Gagawin ang formal turnover sa Lunes, Jan. 12, 2015 sa Provincial Capitol, Brgy. Amas, Kidapawan City kung saan mismong si Cot. Gov. Emmylou “Lala” J. Taliñ-Mendoza ang mangunguna.

6 na units ng multicab ang ibibigay sa Banisilan, 3 sa M’lang, 2 sa Arakan, 9 sa Makilala, 2 sa Alamada, 1 sa Midsayap, 3 sa Pigcawayan at 1 sa Kidapawan City.

GPH-MILF panels, OPAPP sasagot sa mga pangunahing tanong patungkol sa BBL

AMAS, Kidapawan City (Jan 9) – Upang madagdagan pa ang kaalaman ng mamamayan ng Cotabato at masagot ang ilang mga mahahalagang katanungan patungkol sa Bangsamoro Basic Law o BBL at sa itatatag na Bangsamoro Government, pangungunahan ng Provincial Government of Cotabato ang isang forum na Provincial Information, Education and Communication on BBL.

Gagawin ang aktibidad sa Rooftop ng Provincial Capitol Building sa January 13, 2015 kung saan mismong mga panelists ng Government of the Republic of the Philippines-Moro Islamic Liberation Front o GPH-MILF at mga personnel mula sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP.

Food-For-Work activities sa Pigcawayan, North Cotabato sisimulan na

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ January 9, 2015) ---Sisimulan na ang orientation kaugnay ng Food-For-Work activities na ipapatupad sa iba’t- ibang barangay at service areas ng irrigators associations sa bayan ng Pigcawayan, North Cotabato.

Gaganapin ang orientation sa susunod na linggo sa pangunguna ng tanggapan ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan kasama ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Regional Office XII mula sa Koronadal City.

Mga dokumento para sa panukalang pagtatayo ng municipal ports sa Pigcawayan, North Cotabato hiniling na maisumite sa DOTC

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ January 9, 2015) ---Hiniling ng Department of Transportation and Communication o DOTC sa lokal na pamahalaan ng Pigcawayan, North Cotabato at First Congressional District Office na ifacilitate ang pagsusumite ng mga dokumentong kinakailangan para sa panukalang magtayo ng municipal ports sa bayan ng Pigcawayan.

Nabatid na kabilang sa mga nagproposed na mapatayuan ng municipal ports ay ang mga barangay ng Datu Mantil, Cabpangi, Simsiman, Upper Pangankalan and Lower Pangankalan.

Color Coding ng mga Trysikel sa bayan ng Pikit, North Cotabato; unti-unti ng sinisimulan

By: Christine Limos

(Pikit, North Cotabato/ January 9, 2015) ---Nagsimula ng ipatupad ang color coding ng mga trysikel sa bayan ng Pikit ngayong unang buwan ng 2015.

Ayon kay P/Supt. Jordine Maribojo commander ng Task Force Pikit isa ito sa programa ng lokal na pamahalaan ng Pikit sa pakikipag tulungan ng traffic section.

Ilang mga ninakaw na tseke sa Treasurer’s Office, aksidenteng narekober sa canal

(Kabacan, North Cotabato/ January 9, 2015) ---Aksidenteng narekober ng ilang empleyado ng LGU Kabacan ang mga tesekeng ninakaw ng mga kawatan sa Treasurers Office sa kanal sa harapan ng Kabacan Pilot Elementary School dakong alas 9:20 ng umaga kahapon.

Nadiskobre ang mga tseke ilang oras palang ang nakakaraan matapos ang bomb scare na malapit lang din sa nasabing lugar.

Ayon kay PCI Ernor Melgarijo, hepe ng Kabacan PNP sa panayam ng DXVL, maari umanong nadala lamang ito ng tubig kanal sa nasabing lugar at hindi tlaga ito doon itinapon ng mga salarin.

Pagkakabit ng mga CCTV Cameras sa Municipal compound ng Kabacan, minamadali na ng SB

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ January 9, 2015) ---Nagpasa ng resolusyon ang Sagguiniang Bayan ng Kabacan para madaliin ang paglalagay ng mga CCTV sa matataong lugar sa bayan lalong lalo na sa bisinidad ng Municipal Hall.

Ang nasabing resolusyon ay ipinanukala ni Councilor Jonathan Tabara sa isinagawang regular na SB Session kahapon.

Libreng Edukasyon at tulong sa mga magsasaka, patuloy na isusulong ng Alkalde ng Makilala sa taong 2015

(Makilala, North Cotabato/ January 9, 2015) ---Malaki ang accomplishment ng lokal na pamahalaan ng Makilala sa taong 2014 partikular na sa agrikultura sa pamamagitan ng pagtulong sa mga magsasaka sa libreng pagpapa tanim ng goma.

Ito ang inihayag ni Makilala Mayor Rudy Caoagdan sa ginawang panayam ng DXVL News.

Aniya isa sa malaking nagawa ng LGU sa larangan ng edukasyon ay ang paglalagay ng tertiary education sa bayan ang Makilala Institute of Science and Technology.

Libre din ang tuition sa naturang paaralan para sa mga taga Makilala lamang, ayon pa kay Mayor Caoagdan.

Police Integrated Patrol System mas pinaigting ng Task Force Pikit

(Pikit, North Cotabato/ January 9, 2015) ---Mas pinaigting pa ngayon ng Task Force Pikit ang serbisyo sa mamamayan ng Pikit sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Police Integrated Patrol System at ng Police Community Relation activities.

Ito ang sinabi ni Task Force Pikit Commander Supt. Jordine Maribojo sa DXVL News kungsaan katuwang nila sa pagpapatupad ng direktiba ang komunidad, LGU ng Pikit at ang Armed Forces of the Philippines partikular ang 7th Infantry Battalion.

Pagiging vigilante ng mamamayan ng Kabacan, pinasalamatan ng PNP Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 9, 2015) ---Nagdulot ng takot sa Publiko at kaunting problema sa trapiko ang bayan ng Kabacan matapos ang bomb scare sa panulukan ng Diego Silang St., at National Highway, Poblacion, Kabacan, Cotabato bago mag alas-8:00 ng umaga kahapon.

Ayon ka PCI Ernor Melgarejo, Hepe ng kabacan PNP sa panayam ng DXVL News, isang lata ng biscuit na may lamang frozen meats ang napagkamalang pampasabog.

Aplikasyon para sa Cot Provincial Scholarship Program (PSP) pinalawig pa

(AMAS, Kidapawan City/ January 9, 2015)  – Mula sa deadline na Dec. 31, 2014, pinalawig pa ang aplikasyon para sa Provincial Scholarship Program o PSP ng Cotabato Province hanggang Jan. 15, 2015.

Ayon kay Norito Mazo, PSP Scholarship Coordinator, ito ay upang mabigyan pa ng mas mahabang pagkakataon ang mga aplikante na makasumite ng mga requirements.

School-on-the-Air on the Halal Production of Small Ruminants Graduation, Ginanap sa USM-ATI, Kabacan

(Amas, Kidapawan City/ January 8, 2015) ---Matapos ang mahigit limang buwang pakikinig sa radio ng mga magsasakang nag-aalaga ng kambing at tupa, ginanap kamakailan (1/7/15) ang graduation bilang culmination program ng School-on-the-Air on the Halal Production of Small Ruminants sa Agricultural Training Institute sa USM Kabacan. 

Humigit kumulang sa 500 ang grumadweyt sa SOA na kinabibilangan ng mga magsasaka mula sa Sultan Kudarat at Cotabato Province.

Kasunduan sa pagitan ng pamunuan ng USM at bansang Thailand ukol sa halal industry, ilalarga na sa 2016

Photo courtesy from FB of Dr, Josephine Migalbin
(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 8, 2015) ---Ilalarga na sa taong 2016 ang naudlot na kasunduan noong 2013 sa pagitan ng pamunuan ng University of Southern Mindanao at ng bansang Thailand ukol sa halal training and development center na may pondo na nagkakahalaga ng 8 milyon. 

Ito ay ayon sa panayam ng DXVL kay USM pres. Garcia.

Hindi pag-refund ng mga travel expenses ng ilang mga guro, sinagot ni Supt. Omar Obas

(Amas, Kidapawan City/ January 8, 2015) ---Pinarating ng ilang mga guro ang kanilang reklamo ukol sa hindi pag- refund ng kanilang sariling gastos para sa mga isinasagawang district level conferences at meetings.

Itinanggi naman ni Cotabato School’s Division Superintendent Omar Obas  ang reklamo ukol dito.

Iginiit nito na kasinungalingan lamang ang inirereklamo ng mga guro ukol sa hindi pag- refund sa kanilang sariling gastos.

USM Pres. Garcia, inaming kulang ang Plantilla items ng mga guro sa USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 8, 2015) ---Aminado si University of Southern Mindanao o USM President Dr. Francisco Gil Garcia na nagdaranas ng kakulangan sa faculty ang USM at iba pang state universities hindi lamang sa faculty kundi kakulangan din sa Plantilla items.

Ginawa ng Pangulo ang reaksiyon sa DXVL News matapos ang ginawang panukala ni Congressman Roman Romulo at ng kanyang mga komitiba na bigyan ng dagdag na items ang state universities and colleges dahil ang karamihan sa mga empleyado nito ay Contract of Service o COS lamang.

One Network Bank o ONB, nakatakdang bibilhin ng BDO?

(Kabacan, North Cotabato/ January 8, 2015) ---Pinalawak ng BDO Unibank, Inc ang serbisyo nito sa Southern Philippines sa pamamagitan ng pagbili ng One Network Bank, Inc o ONB na may mahigit isandaang sangay sa Mindanao at sa isla ng Panay.

Sa isang kalatas na ipinarating sa DXVL News ng pamunuan ng ONB, umabot sa 28.1 bilyong piso ang total asset ng ONB, net loans na 19.7 bilyon at deposit franchise na nagkakahalaga ng 17.9 bilyong piso noong September 30 ng nakaraang taon.

Reklamo re: Delayed na pag-release ng PBB ng ilang mga guro sa Cotabato Division, ipinaliwanag ng School’s Superintendent

(Amas, Kidapawan City/ January 8, 2015) ---Inireklamo ng ilang mga guro partikular sa paaralan ng Carmen South District ang delayed na pag- release ng kanilang Performance Based Bonus o PBB na hanggang ngayon raw ay hindi pa nila natatanggap.

Agad namang sinagot ni Cotabato School’s Division Superintendent Omar Obas ang nasabing reklamo sa panayam ng DXVL News.

Aniya, ang dahilan umano nito ay malaki ang sakop ng Cotabato Division at hindi rin agad dumating ang Notice of Cash Allocation o NCA mula sa Department of Budget and Management o DBM.

Kaniya na rin itong naipaliwanag sa isinagawang ManCom noong December 23 ng nakaraang taon na hindi nila matatanggap ang kanilang PBB sa New Year.

Kabacan, muling binalot ng bomb scare

Photo courtesy By: Eduard Salinas, PCC-USM
(Kabacan, North Cotabato/ January 8, 2015) ---Negatibo sa anumang pampasabog ang nakitang suspected IED sa panulukan ng Diego Silang St., at National Highway, Poblacion, Kabacan, Cotabato bago mag alas-8:00 ngayong umaga lamang.


Sa nakalap na report ng DXVL News, isang lata na naglalaman ng pagkain ang laman ng nasabing suspected na baggage.

Pawnshop, hinoldap; guwardiya utas

Photo by: Ryan Silva of Sto. Nino, So.Cot
(North Cotabato/ January 7, 2015) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang guwardiya makaraang mapatay sa nangyaring hold-up sa Palawan Pawnshop sa public market sa bayan ng Sto. Niño, South Cotabato alas 1:30 ngayong hapon lamang.


Kinilala ni Police Chief Inspector Joel Fuerte ang biktima na si Richard Tabalong na walang abu-abong pinagbabaril ng mga suspek sabay pasok sa nasabing pawnshop.

Naka-upo lamang si Tabalong sa pwesto nito ng binaril ng mga suspek.

Nakasuot umano ng camouflage ang mga suspek at naka-sombrero na ngayon tinutugis na ng mga pulis.

Habal-habal driver, pinabulagta!

(North Cotabato/ January 7, 2014) ---Bulagta ang isang habal-habal driver makaraang pagbabarilin ng riding tandem sa harapan ng Notre Dame of Dadiangas University (IBED) sa Calina St, Brgy. Lagao sa lungsod ng Heneral Santos alas 11:40 kagabi.

Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si Mark Lester Menesis Tupas, 24, isang part time habal-habal driver, mayroong ka-live-in partner at pansamantalang naninirahan sa Carcon Village, Brgy. Lagao, GenSan.

Misis na ayaw magpasiping, sinaksak ng mister

(North Cotabato/ January 7, 2015) ---Kalaboso ang isang mister makaraang saksakin nito ang misis na ayaw magpasiping sa kanya sa Barangay Gang, Sultan Kudarat, Maguindanao kagabi.

Kinilala ni PSI Esmael Madin, ang hepe ng Sultan Kudarat Maguindanao PNP ang suspek na si Mohadin Abdul, 35 anyos habang sugatan naman ang mismong misis nitong kinilalang si Samra Abdul, 30 anyos kapwa residente ng nasabing lugar.

Transaksiyon sa LGU Kabacan, tiniyak na maayos –ayon sa Alkalde

(Kabacan, North Cotabato/ January 7, 2015) ---Inihayag ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. na patuloy pa rin ang trabaho ng mga mangagagawa ng lokal na pamahalaan ng Kabacan sa kabila ng nangyaring panloloob at panraransak sa Kabacan treasurer’s office.

Ayon kay Mayor Guzman, main office lamang ng treasurer’s office ang sumasailalaim sa malalimang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives o SOCO kaya business as usual pa rin lalo na at maraming mga negosyante ang nagre renew ng business permit ngayong buwan.

Business One Stop Shop ng LGU Kabacan, magsisimula na ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ January 7, 2015) ---Magsisimula na ngayong araw ang Business One Stop Shop o BOSS ng LGU Kabacan na taunang isinasagawa para sa mga kukuha at magrerenew ng kanilang Business Permit sa loby ng Municipal Hall.

Ayon kay LGU Kabacan Administrative Officer Cecilia Facurib, magtatapos ang nasabing programa sa Pebrero a-7 sa susunod na buwan.

Binibining Pilipinas-Universe MJ Lastimosa nasa Amerika na at handang-handa na para sa Ms. Universe 2015

Photo by: Ralph Ryan Rafael
(Kabacan, North Cotabato/ January 7, 2015) ---Kasalukuyang nasa Amerika na ang pambato ng Pilipinas para sa Miss Universe 2015 na si Mary Jane “MJ” Lastimosa na tubong Tulunan, North Cotabato. 

Sa panayam ng DXVL news kay Executive Assistant to the Governor Ralph Ryan Rafael na tumulak papuntang Amerika si MJ noong Sabado January 3.

Inihayag din ni Rafael na sa kauna –unahang pagkakataon na ang pambato ng Pilipinas para sa Miss Universe ay hindi nag-ensayo sa bansang Columbia kundi dito sa Pilipinas partikular na sa Kagandahang Flores Camp.

Kabilang din sa paghahandang ginawa ni MJ ang pagda-diet at pag eehersisyo sa gym upang matamo ang ninanais na katawan at kagandahan para sa Ms.Universe 2015.

Retaliation ng grupong BIFF, pinaghahandaan ng Militar

(North Cotabato/ January 6, 2015) ---Nagpapatuloy ngayon ang pursuit operation ng militar laban sa grupong Bangsamoro Islamic Freedom Figthers o BIFF matapos makubkob ang kampo ng mga ito sa Sitio Pedtad, Brgy Midpandacan, General Salipada K. Pendatun, Maguindanao kahapon.

Sinabi ni 6th ID spokesperson Joan Petinglay ginawa ang law enforcement operation ng militar at pulisya kontra sa nasabing grupo matapos ang panghaharas ng BIFF sa dalawang detachment ng 33IB sa Maguindanao noong linggo.

Clearing of irrigation canals isinusulong ng mga magsasaka sa Distrito Uno ng North Cotabato

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ January 6, 2015) ---Nais ng mga kasapi ng irrigators associations sa Distrito Uno na matutukan ang clearing of drainage canals at maisaayos ang daluyan ng patubig ngayong 2015.

Ito ang idinulog ng mga farmer- irrigators na dumalo sa year- end consultation meeting na pinangunahan ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan.

Paghahain ng COC para sa SK election, nakatakda sa buwan ng Pebrero

(North Cotabato/ January 6, 2015) ---Tatanggap na ng Certificate of Candidacy o COC ang Commission on Elections o COMELEC sa mga lalahok sa Sangguniang Kabataan elections sa February 7, 9, at 10 ng kasalukuyang taon.

Batay sa COMELEC Resolution number 9905, magsisimula ang SK election period mula January 22, 2015, araw ng Huwebes hanggang March 2, 2015, araw ng Lunes, tatlumpung araw bago ang araw ng eleksyon at labinglimang araw pagkatapos nito.

Masusing imbestigasyon sa pagkakaransak ng Treasurer’s Office ng LGU Kabacan, ipinag-utos na ng alkalde

(Kabacan, North Cotabato/ January 6, 2015) ---Agad na ipinag-utos ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ang masusing imbestigasyon sa pagkakaransak ng treasurer’s Office ng LGU Kabacan.

Ito ang sinabi ng opisyal sa panayam sa kanya ng DXVL News kungsaan hinihintay niya ngayon ang resulta ng imbestigasyon ng Kabacan PNP at ng SOCO team.

Kabacan PNP blangko pa sa suspek na responsible sa panloloob sa Kabacan Treasurer’s office

(Kabacan, North Cotabato/ January 6, 2015) ---Blangko pa hanggang sa kasalukuyan ang Kabacan PNP kung sino ang suspek na responsable sa panloloob at panraransak sa Kabacan treasurer’s office.

Ikinokonsidera namang suspek ang lahat ng kawani ng treasurer’s office at mga supek na nasa labas na may rekord ng pagnanakaw.

Karagdagang pwersa ng PNP, ipapakalat ng PRO12

(North Cotabato/ January 6, 2015) ---Karagdagang pwersa ng police personnel ang itatalaga ng Police Regional Office o PRO-12 sa bawat police stations sa buong rehiyon ngayong taon.

Inihayag ni PRO-12 Regional Director Chief Supt. Lester Camba na ang nasabing hakbang ay bahagi ng kanilang pagsisikap na mapaganda pa ang performance ng mga lokal na tanggapan ng PNP lalo na sa pagpapanatili ng peace and order.

Mansion ng mga Ampatuan, pinasabugan!

(North Cotabato/ January 6, 2015) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pagpapasabog ng mga armadong grupo sa mansyon ng mga Ampatuan sa Mother Barangay Shariff Aguak Maguindanao alas 9:40 kagabi.

Sa report na nakarating kay Maguindanao PNP provincial director S/Supt Rudelio Jocson na pinaputukan ng M79 grenade launchers at 60 caliber machine gun ang tahanan ni Shariff Aguak Mayor Marop Ampatuan.

Nene, utas sa engkwentro

(North Cotabato/ January 6, 2015) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang siyam na taong gulang na batang babae nang tamaan ito ng ligaw na bala sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala lamang ang biktima na si alyas Meme, residente ng Barangay Gumagadong, Calawag, Parang, Maguindanao.

(Update) Mahigit P.8M na halaga, nalimas; LGU Kabacan “Business as usual” matapos ang nangyaring panloloob sa treasurer’s Office

(Kabacan, North Cotabato/ January 5, 2015) ---“Business As usual” pa rin sa ngayon ang tanggapan ng treasurer’s Office ng LGU Kabacan sa kabila ng nangyaring pagransak sa nasabing opisina.

Ito ayon kay Municipal Treasurer Prescilla Quiñones sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Sa katunayan, ayon sa opisyal ay marami pa rin ang pumupunta para kumuha, magbayad at mag-renew ng business permit na pormal ng nagsimula ang transaksiyon kahapon.

Total Ban ng paputok sa Cotabato city, isinusulong ng Alkalde

(Cotabato city/ January 6, 2015) ---Isusulong ni Cotabato City Mayor Japal Guiani Jr. na maipasa sa Sangguniang Panglungsod at maipatupad sa unang bahagi ng 2015 ang total ban sa pagbebenta at paggamit ng ilegal na paputok sa Cotabato City.

Una ng nagpalabas ng kalatas ang punong ehekutibo na nagbabawal sa pagbebenta at paggamit ng mga paputok sa pasko at bagong taon.

Ginawa ng opisyal ang hakbang matapos na nakapgtala ang lungsod ng abot sa 11 kaso ng firecracker related injuries sa kabila ng mahigpit na pagpaputupad ng City Government sa Executive order 130.

Training Camp ng BIFF nakubkob ng militar

(North Cotabato/ January 6, 2015) --Nakubkob ng militar ang sinasabing training camp ng BIFF matapos ang isinagawang mortar shelling at ground assault ng militar sa bahagi ng Sitio Pedtad, Gen. Salipada K. Pendatun sa lalawigan ng Maguindanao kahapon.

Ayon kay 33rd IB Commander Col. Markton Abo na mabilis na nagsipulasan ang mga rebeldeng grupo at inabandona ang kanilang kampo.

Brgy. Chairman ng Carmen, North Cotabato itinumba ng tandem

(North Cotabato/ January 6, 2015) ---Patay ang punong barangay makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang mga riding in tandem assassins sa National Highway ng Brgy. Ugalingan, Carmen, North Cotabato dakong alas 12:00 ng tangahali kahapon.

Kinilala ni PSI Basilio Parcon, ang OIC Chief of Police ng Carmen PNP sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan ang biktima na si Brgy. Chairman Eliazar Pilapil na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib nito.

2 Sundalong nasawi, binigyan ng heroic military honors

(North Cotabato/ January 5, 2014) ---Pinarangalan ng 6th Infantry Division, Philippine  Army ang dalawang nasawing sundalo matapos ang nangyaring magkahiwalay na pang-aatake ng pinaniniwalaang miembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers o BIFF sa military detachment ng 33IB, 6ID sa Shariff Aguak, Maguindanao .

Binigyan ng heroic military honors sina Cpl Daniel T Valenzuela III at PFC  Karl Bernie D Arriba nga naihatid na sa kanilang pamilya sa San Isidro Lagao, General Santos City at Malita, Davao Del Sur.

Trader ng paputok na may paglabag sa batas, kakasuhan

(North Cotabato/ January 5, 2015) ---Kasong paglabag sa Republic Act 7183 or the “Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices” ang isasampa ng mga otoridad sa mga traders na nahuling nagbebenta ng ilegal na paputok noong panahon ng Kapaskuhan at bagong taon.

Ang nasabing deriktiba ay ipinag-utos ni Police Regional Office-12 Regional Director Chief Supt. Lester Camba sa lahat ng mga police stations ng Rehiyon.

Bahay-Aliwan, hinagisan ng granada

(Sultan Kudarat/ January 5, 2015) ---Pinasabog ng mga miyembro ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) Team ng kapulisan ang hinagis na granada sa Barako bar malapit sa national highway ng Isulan, Sultan Kudarat ala-1:35 kaninang umaga.

Agad inireport sa himpilan ng pulis ng isang empleyado ng bar ang insedente na nirespondehan ng EOD Team.

Kasambahay, itinumba!

(North Cotabato/ January 5, 2015) ---Pinabulagta ng mga di pa nakilalang mga armadong kalalakihan ang isang kasambahay matapos barilin sa loob mismo ng bahay nito sa Purok Bonifacio, Barangay Cinco, Banga, South Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Dave Lemuel Mendiola biente sais anyos.

Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng Banga PNP habang kumakain ng pananghalian ang biktima pumara ang isang motorsiko sa harap ng

Humigit kumulang sa P.5M na cash at mga tseke natangay matapos looban ang treasurer’s Office ng LGU Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 5, 2015) ---Tinatayang aabot sa mahigit kumulang sa kalahating milyun ang nalimas matapos na ma-ransak ng mga di pa nakilalang mga suspek ang treasurer’s Office ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan.

Ito ayon kay PCI Elnor Melgarejo ang hepe ng Kabacan PNP.

Batay sa ulat ng kapulisan, alas 9:00 kahapon ng umaga ng madiskubre ng isang empleyado ng munisipyo na kinilalang si Maria Ressa Galay na bukas na ang pintuan ng kanilang opisina at nawawala ang padlock nito.

Mabilis na inireport ni Galay ang insidente sa Kabacan PNP na di kalayuan lamang sa Municipal Hall kaya agad na tinungo ng Scene of the Crime Operatives o SOCO ang crime site.

Retaliation ng pagkakahuli ng isang tulak droga, isa sa mga anggulong sinusundan sa pagpapasabog sa bayan ng Mlang

(Mlang, North Cotabato/ January 5, 2015) ---Posible umanong paghihiganti ng grupo ni Abdul Ajiz Glang na inaresto ng mga otoridad dahil sa illegal na droga ang isa sa mga anggulong sinusundan sa pagpapasabog sa bayan ng Mlang bisperas ng pagsalubong ng bagong taon.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Mayor Joselito Piñol batay naman sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad.

Ayon sa alkalde ang nangyari namang pagpapasabog noong Nobyembre a-23 ng nakaraang taon ay posibleng extortion ng grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom fighters o BIFF.

Munisipyo ng Kabacan, nilooban

(Kabacan, North cotabato/ January 4, 2014) ---Niransak ng mga di pa nakilalang mga suspek ang treasurer’s Office ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan.

Batay sa ulat ng Kabacan PNP, alas 9:00 kaninang umaga ng madiskubre ng isang empleyado ng munisipyo na bukas ang nasabing tanggapan.

Hind pa matukoy na halaga ng cash, tseke at mga alahas ang natangay ng suspek habang nagpapatuloy pa sa mga oras na ito ang ginagawang imbestigasyon ng SOCO.