(Cotabato city/ January 6, 2015) ---Isusulong ni
Cotabato City Mayor Japal Guiani Jr. na maipasa sa Sangguniang Panglungsod at
maipatupad sa unang bahagi ng 2015 ang total ban sa pagbebenta at paggamit ng
ilegal na paputok sa Cotabato City.
Una ng nagpalabas ng kalatas ang punong ehekutibo na
nagbabawal sa pagbebenta at paggamit ng mga paputok sa pasko at bagong taon.
Ginawa ng opisyal ang hakbang matapos na nakapgtala ang
lungsod ng abot sa 11 kaso ng firecracker related injuries sa kabila ng mahigpit
na pagpaputupad ng City Government sa Executive order 130.
Bukod sa nabanggit, ilalarga din ng alkalde sa
Sanggunian ang Anti-Jaywalking Ordinance sa lungsod at ang pag-implementa ng
Republic Act 8749, o ang Clean Air Act of 1999.
Sinisikap naman ng kanyang pamunuan na mabibigyan ng
prayoridad ang naturang mga batas bago matapos ang unang kwarto ng taon. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento