AMAS, Kidapawan City (Jan. 10) – Abot sa 28 mga bagong
multi-cabs ang nakatakdang i-turnover ng Provincial Government of Cotabato sa
iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Cotabato.
Gagawin ang formal
turnover sa Lunes, Jan. 12, 2015 sa Provincial Capitol, Brgy. Amas, Kidapawan
City kung saan mismong si Cot. Gov. Emmylou “Lala” J. Taliñ-Mendoza ang
mangunguna.
6 na units ng
multicab ang ibibigay sa Banisilan, 3 sa M’lang, 2 sa Arakan, 9 sa Makilala, 2
sa Alamada, 1 sa Midsayap, 3 sa Pigcawayan at 1 sa Kidapawan City.
Bawat multi-cab ay
nagkakahalaga ng P220,000 at mula ito sa Capital Outlay o pondo ng Provincial
Government of Cotabato.
Dadalo sa turnover
ang mga alkalde o representante ng nabanggit na mga bayan ganundin ang mga
mismong officials ng mga benepisyaryong
barangay.
Ayon kay Gov.
Taliño-Mendoza, layon ng pamamahagi ng mga multi-cab ay upang mapabilis ang
pagresponde ng mga opisyal ng barangay sa mga emergency situations at mapahusay
pa ang transportation system ng bawat barangay.
Kaya naman kailangan
din raw na ingatan at alagaan ng mga barangay officials ang mga multi-cab at
tiyaking sa wastong paraan ito gagamitin.
Lalagda naman sa
Memorandum of Agreement o MOA ang mga barangay officials kung saan nakasaad ang
mga alituntunin sa paggamit ng multi-cab.
Kahapon ay ginawa
ang blessing ng naturang mga sasakyan sa pangunguna ni Fr. Antonio Lupiba, DCK,
Parish Priest ng The Good Sheperd Quasi-Parish ng Brgy. Amas na dinaluhan din
ng mga department heads ng Provincial Capitol. (JIMMY STA. CRUZ/PGP Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento