Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Habal-habal driver, pinabulagta!

(North Cotabato/ January 7, 2014) ---Bulagta ang isang habal-habal driver makaraang pagbabarilin ng riding tandem sa harapan ng Notre Dame of Dadiangas University (IBED) sa Calina St, Brgy. Lagao sa lungsod ng Heneral Santos alas 11:40 kagabi.

Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si Mark Lester Menesis Tupas, 24, isang part time habal-habal driver, mayroong ka-live-in partner at pansamantalang naninirahan sa Carcon Village, Brgy. Lagao, GenSan.

Rumisponde ang pulisya sa nabanggit na lugar at doon nadatnan ang biktima na wala ng buhay malapit isang XRM 125 motorcycle na may plate number 9582 OL.

Nagtamo ang biktima ng tama ng baril sa leeg at sa likod na bahagi ng katawan.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng .45 caliber pistol.


Inaalam pa ng pulisya ang identity ng mga salarin at motibo sa pamamaril. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento