(North Cotabato/ January 5, 2014) ---Pinarangalan ng 6th
Infantry Division, Philippine Army ang
dalawang nasawing sundalo matapos ang nangyaring magkahiwalay na pang-aatake ng
pinaniniwalaang miembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers o BIFF sa
military detachment ng 33IB, 6ID sa Shariff Aguak, Maguindanao .
Binigyan ng heroic military honors sina Cpl Daniel T
Valenzuela III at PFC Karl Bernie D
Arriba nga naihatid na sa kanilang pamilya sa San Isidro Lagao, General Santos
City at Malita, Davao Del Sur.
Tiniyak naman ni 6th Id Commander MGEN EDMUNDO R
PANGILINAN na magpapaabot sila ng tulong sa pamilya ng mga nasawing sundalo.
Sa ngayon patuloy pang pinaiigting ng militar ang
kanilang kampya kontra BIFF. DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento