Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan PNP blangko pa sa suspek na responsible sa panloloob sa Kabacan Treasurer’s office

(Kabacan, North Cotabato/ January 6, 2015) ---Blangko pa hanggang sa kasalukuyan ang Kabacan PNP kung sino ang suspek na responsable sa panloloob at panraransak sa Kabacan treasurer’s office.

Ikinokonsidera namang suspek ang lahat ng kawani ng treasurer’s office at mga supek na nasa labas na may rekord ng pagnanakaw.


Nagpapatuloy naman ang malalimang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives o SOCO upang malaman kung may inside job na nangyari sa panraransak.

Ayon pa kay PCI Elnor Melgarejo chief ng Kabacan PNP may CCTV camera sa Land bank ngunit hindi gumagana at wala ring CCTV camera na naka install sa mismong Kabacan treasurer’s office.

Hindi pa matukoy kung anong petsa eksaktong nilooban ang naturang opisina dahil nung kamakalawa lamang ng Linggo alas nuebe ng umaga nang madiskubre ng empleyadong si Maria Risa Galay na bukas na ang opisina at nawawala na ang podlock nito.


Lumalabas sa initial na imbestigasyon ng kapulisan na sa likod na gate ang ginawang entry point ng mga magnanakaw. Christine Limos/DXVL News

0 comments:

Mag-post ng isang Komento