Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagkakabit ng mga CCTV Cameras sa Municipal compound ng Kabacan, minamadali na ng SB

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ January 9, 2015) ---Nagpasa ng resolusyon ang Sagguiniang Bayan ng Kabacan para madaliin ang paglalagay ng mga CCTV sa matataong lugar sa bayan lalong lalo na sa bisinidad ng Municipal Hall.

Ang nasabing resolusyon ay ipinanukala ni Councilor Jonathan Tabara sa isinagawang regular na SB Session kahapon.


Ginawa ng opisyal ang hakbang matapos ang pagkakaransak sa treasurers office.

 P1,075.00 mula rito ay galing koleksyon ng Dec. 29, 2014 Trust Fund, P113,481.96 ay mula sa Collection ng Dec. 29 2014 after 3pm, P366,561.88 mula sa koleksyon ng Dec. 30-31 2014, P132,000.00 mula sa Dec. 29, 2014 Philhealth Collection, P103,000.00 mula sa Senior Citizens Pension, P18,435.00 mula sa Sahod ng mga JO, DCW at LGU Scholar, P10,200.00 mula sa Cash Deposits w/o Daily Report, P10,000.00 mula sa Other Deductions at P70,000.00 ang galing sa pondong Payable sa Landbank at mga tsekeng nagkakahalaga ng P312,850.84.

Maaari umanong malakas ang loob ng mga kawatan dahil alam ng mga ito na hindi gumagana o walang CCTV sa loob ng munisipyo.


Malaking tulong umano ito para sa pagtukoy sa mga masasamang loob na nagbabalak gumawa ng kriminalidad sa bayan, kaya kailangan na itong madaliin, apela ng SB.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento