Photo by: Ralph Ryan Rafael |
(Kabacan, North Cotabato/ January 7, 2015)
---Kasalukuyang nasa Amerika na ang pambato ng Pilipinas para sa Miss Universe
2015 na si Mary Jane “MJ” Lastimosa na tubong Tulunan, North Cotabato.
Sa panayam
ng DXVL news kay Executive Assistant to the Governor Ralph Ryan Rafael
na tumulak papuntang Amerika si MJ noong Sabado January 3.
Inihayag din ni Rafael na sa kauna –unahang
pagkakataon na ang pambato ng Pilipinas para sa Miss Universe ay hindi
nag-ensayo sa bansang Columbia kundi dito sa Pilipinas partikular na sa
Kagandahang Flores Camp.
Kabilang din sa paghahandang ginawa ni MJ
ang pagda-diet at pag eehersisyo sa gym upang matamo ang ninanais na katawan at
kagandahan para sa Ms.Universe 2015.
Ayon pa kay Rafael, ang malaking edge ni MJ
para manalo sa Ms.Universe 2015 ay ang inpirasyon nito sa mga kabataan, ang
pangyayari sa buhay nito bilang isang Cotabateño at ang mga nagyayari sa
kasalukuyan dito sa North Cotabato.
Samantala, nagbigay ng tulong ang pamahalaang
panlalawigan ng North Cotabato para sa pambato ng Pilipinas na si MJ Lastimosa
para sa nalalapit na Miss Universe 2015 na gaganapin sa Miami, Florida U.S.A.
Ayon kay Executive Assistant to the Governor
Ralph Ryan Rafael, nagbigay ng tulong si North Cotabato Governor Lala
Taliño-Mendoza, Vice Governor Dodong Ipong maging ang mga myembro ng
Sangguniang Panlalawigan.
Gaganapin ang Miss Universe 2015 sa January
25 sa Florida at January 26 naman sa Pilipinas
alas nuebe ng umaga. Mapapanood ang live telecast ng Miss Universe sa
ABS CBN at sa iba’t ibang cable channel partikular sa Star World.
Inihayag din ni Rafael na puspusan ang
ginagawa nilang kampanya para kay MJ sa facebook at ibang social media sites
lalo na sa online voting at sa hushtag nito.
Nanawagan din si Rafael na
ipagdasal si MJ para manalo sa Miss Universe 2015 dahil hindi lang bansang
Pilipinas ang nirerepresenta nito kundi lalong lalo na ang Probinsya ng North
Cotabato. Christine Limos/ DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento