(AMAS, Kidapawan City/ January 9, 2015) – Mula sa deadline na Dec. 31, 2014, pinalawig
pa ang aplikasyon para sa Provincial Scholarship Program o PSP ng Cotabato
Province hanggang Jan. 15, 2015.
Ayon kay Norito Mazo, PSP Scholarship
Coordinator, ito ay upang mabigyan pa ng mas mahabang pagkakataon ang mga
aplikante na makasumite ng mga requirements.
Naging mahaba rin daw ang Christmas break
kung saan sarado ang tanggapan ng Public Affairs Assistance Sports and Tourism
Development Department ng Provincial Governor’s Office na siyang nangangasiwa
ng mga aplikasyon, ayon pa kay Mazo.
Mahigit 200 mga estudyante na ang
nakapagsumite ng kanilang mga requirements ngunit mas maige raw na mabigyan pa
ng pagkakataon ang iba pang interesadong makinabang sa PSP.
Itinakda naman sa Jan. 30, 2015 ang
qualifying examination ng PSP at gagawin ito sa tatlong venues – District 1,
Midsayap Pilot Elem. School, Midsayap; District 2, Provincial Gymnasium, Amas,
Kidapawan City at District 3, Barangay Hall, Poblacion-A, M’lang.
Kaugnay nito, hinihimok ni Gov. Emmylou
“Lala” J. Taliño-Mendoza ang mga interesado at kwalipikadong mag-aaral na di na
kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang na samantalahin ang pagkakataon at
isumite na ang mga requirements.
Ayon kay Gov. Taliño-Mendoza, mahalaga ang
edukasyon para sa kabataan dahil sila ang magiging kinabukasan ng bayan.
Layon ng Cot PSP na tulungan ang mga poor
but deserving students na makapagtapos ng kolehiyo, makapagtrabaho at maiangat
ang antas ng kanilang pamumuhay. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento