AMAS, Kidapawan City (Jan 10) – Ipinag-utos ni Gov.
Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa pamunuan ng Cotabato District Jail o CDJ
ang imbestigasyon sa alegasyong may nagaganap na pagpupuslit ng illegal drug sa
naturang prison facility.
Ito ay matapos
mapag-alaman ng gobernadora na may mga indibidiwal na nagsasagawa ng naturang
iligal na gawain kung saan sangkot pa umano ang ilang mga tauhan ng Bureau of Jail
Management and Penology o BJMP.
Kaugnay nito, sinabi
ni Gov. Taliño-Mendoza kay Jail Chief Insp. Jesus V. Singson, Provincial Jail
Warden, na magsagawa ng kaukulang imbestigasyon upang malaman kung may
katotohanan ang naturang report at mapanagot ang mga sangkot dito.
Nais ng gobernadora
na mapanatili ng CDJ ang kaayusan at kaligtasan sa loob at labas ng pasilidad.
Kaya naman
ipinag-utos din niya kay Chief Insp. Singson ang mahigpit na inspection sa mga
gamit o pagkaing ipinapasok sa CDJ at ang pag-monitor sa mga pinaghihinalaang
sangkot sa illegal drugs operation at tuluyang pag-aresto sa mga ito.
Naniniwala si Gov.
Taliño-Mendoza na may kapasidad si Chief Insp. Singson at ang liderato nito na
linisin ang CDJ mula sa mga di kanais-nais na gawain.
Sinabi pa ng
gobernadora na patuloy na lumalaki ang bilang ng mga preso sa CDJ kaya’t
kailangang lalong maging epektibo ang security measures doon.
Sa kasalukuyan,
mahigit sa 800 inmates ang nasa CDJ dahilan upang magsiksikan ang mga ito sa
mga selda.
Sa kabila nito,
ginagawa ng Provincial Government of Cot ang lahat ng paraan upang maging
maayos ang operasyon ng CDJ kung saan kabilang rito ang pagsugpo ng illegal
drugs. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media
Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento