Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Color Coding ng mga Trysikel sa bayan ng Pikit, North Cotabato; unti-unti ng sinisimulan

By: Christine Limos

(Pikit, North Cotabato/ January 9, 2015) ---Nagsimula ng ipatupad ang color coding ng mga trysikel sa bayan ng Pikit ngayong unang buwan ng 2015.

Ayon kay P/Supt. Jordine Maribojo commander ng Task Force Pikit isa ito sa programa ng lokal na pamahalaan ng Pikit sa pakikipag tulungan ng traffic section.

Inihayag din ni Maribojo na ang kulay ng trysikel sa Pikit ay light yellow o dilaw.

Sinisimulan na ring isaayos ang pagpapatupad ng traffic planning sa bayan ng Pikit, paghahanda ng mga traffic signs at pag i- educate sa mga trysikel driver.

Dagdag pa ni Marebojo na nagbibigay pa ng tsansa ang LGU ng Pikit sa mga trysikel driver upang asikasuhin ng mga ito ang mga papeles na dapat ipasa.


Nagpapasalamat din si Maribojo dahil nakikipag tulungan ang mga mamamayan sa mga plano ng PNP, AFP at LGU ng Pikit. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento