Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

School-on-the-Air on the Halal Production of Small Ruminants Graduation, Ginanap sa USM-ATI, Kabacan

(Amas, Kidapawan City/ January 8, 2015) ---Matapos ang mahigit limang buwang pakikinig sa radio ng mga magsasakang nag-aalaga ng kambing at tupa, ginanap kamakailan (1/7/15) ang graduation bilang culmination program ng School-on-the-Air on the Halal Production of Small Ruminants sa Agricultural Training Institute sa USM Kabacan. 

Humigit kumulang sa 500 ang grumadweyt sa SOA na kinabibilangan ng mga magsasaka mula sa Sultan Kudarat at Cotabato Province.

Naging topnotcher si Marites Bautista ng New Bugasong, Matalam sa mga graduates ng lalawigan ng Cotabato. Grand raffle prize winner naman ng isang module ng kambing si Teresita Nania ng Poblacion, Pres. Roxas na binubuo ng isang ready to breed na bulugang kambing at apat na dumalagang kambing na mula sa Office of the Provincial Veterinarian.

Ang top five winners ay tumanggap ng tig-iisang kambing at ang top 6 to 10 naman ay magiging recipient ng roll over scheme na anak ng kambing na tig-iisang module mula sa grand prize winner.

Naging pangunahing tagapagsalita sa SOA graduation sina Gerry Pagarigan, ang Livestock Focal Person ng ATI 12, Abdul Dayaan, ang Center Director ng ATI 12, Dr. Cayetano Pomares, ang Vice President for Research and Extension ng USM na siya ring naging lecturer sa SOA at si Dr. Ruth Miclat Sonaco, ang National Focal Person ng ATI Livestock Program.

Ayon kay Provincial Agriculturist Eliseo Mangliwan, mahalaga ang school-on-the-air upang matutunan ng mga magsasaka ang halal production system ng kambing at tupa.

Matatandaang naging bahagi ng mga talakayan sa halal production of small ruminants ang mga paksang katulad ng:

1.    Pasture grasses and forage crop for goats
2.    Feeds and feeding management
3.    Integrated farming system
4.    Stock selection, at
5.    Health and disease management

Ayon kay Simona Pagarigan ng ATI, inaasahang magkakaroon ng 30% adoptors sa mga grumadweyt na magpapatuloy sa halal production system sa kani-kanilang mga alagaing kambing na sya namang imomonitor ng ATI at ng OPA upang maevaluate sa hinaharap. 

Magiging model din ng iba pang mga lalawigan ang pagsasagawa ng school-on-the-air on halal production system dito sa lalawigan.


Suportado naman ni Governor Emmylou Taliño-Mendoza ang ganitong aktibidad para sa kapakanan ng mga magsasaka sa lalawigan ng Cotabato bilang bahagi ng Serbisyong Totoo program. Ruel Villanueva

0 comments:

Mag-post ng isang Komento