By: Roderick Rivera Bautista
(Midsayap, North Cotabato/ January 9, 2015)
---Sisimulan na ang orientation kaugnay ng Food-For-Work activities na
ipapatupad sa iba’t- ibang barangay at service areas ng irrigators associations
sa bayan ng Pigcawayan, North Cotabato.
Gaganapin ang orientation sa susunod na
linggo sa pangunguna ng tanggapan ni North Cotabato First District Rep. Jesus
Sacdalan kasama ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and
Development o DSWD Regional Office XII mula sa Koronadal City.
Kabilang sa mga beneficiary barangays ng
food-for-work activities ay ang South Manuangan at Banucagon sa Pigcawayan.
Kasama na rin ang irrigators association sa nasaning bayan sa ilalim ng
Libungan River Irrigation System o LibRIS partikular ang LibRIS Division 1-B IA
sa Bulucaon at MidBal IA sa Midpapan I.
Pangunahing aktibidad sa food-for-work ay
ang pagsasaayos ng daluyan ng patubig at rehabilitasyon ng ilang irrigation
canals.
Nabatid na sa ilalim ng food-for-work
scheme, tatanggap ang bawat benepisyaryo ng bigas bilang insentibo sa trabahong
kanyang natapos.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento