Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Search for the USM Presidency, binuksan na!

(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 2, 2013) ---Inanunsiyu ngayon ng University of Southern Mindanao (USM) Board of Regents na bakante na ang posisyon sa pagka-Pangulo ng Pamantasan.

Ito ang kinumpirma ni OIC Christopher Cabilen kasabay na rin ng kanilang paglathala sa nasabing anunsiyo sa pahayagang Manila Bulletin na lumabas na isyu noong October 25, 2013 at ang pagpublish kahapon (November 1) at November 8, 2013.

Seguridad sa buong Kabacan, para sa Undas, tiniyak ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ November 1, 2013) ---Nakalatag na ang seguridad ng Kabacan PNP para sa gugunitaang Undas 2013.

Ito ang tiniyak kahapon sa DXVL News ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP kasabay ng ikakasa nilang Oplan Kaluluwa dos mil trese simula bukas hanggang sa Nobyembre a-dos.

Mga Pulis, gagawing BET sa special election sa Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ November 1, 2013) ---Abot sa 153 mga pulis ang gagawing  Board of Election Tellers sa isasagawang special election sa 12 mga barangay sa bayan ng Pikit, North Cotabato.

Ayon kay Cotabato provincial election supervisor Duque Kadatuan nakatakda ang special barangay polls sa November 8.

Tulak droga, swak sa kulungan

(Makilala, North Cotabato/ November 1, 2013) ---Kulungan ang bagsak ng isang suspected drug courier makaraang maaresto sa isang buy bust operation na isinagawa ng mga otoridad sa Saguing, Makilala, North Cotabato Kamakalawa ng tanghali. 

Kinilala ang suspek na si Bahara Kuwag,residente ng Lower Saguing, Makilala, North Cotabato. 

Personal na alitan dahilan ng panibagong shooting incident sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ November 1, 2013) ---Personal grudge ang isa sa mga tinitingnang motibo ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril sa isang miyembro ng North Cotabato Provincial Security Guard sa Purok Yellow Bell, Poblacion Matalam, North Cotabato kamakalawa.    
                                                                  
Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si Amber Sitjar kungsaan, agad namang tumakas ang suspek na kapitbahay nito.      

Mga sementeryo sa Kidapawan City, bantay sarado ng mga otoridad

(Kidapawan City/ November 1, 2013) ---Nasa full alert na ang buong puwersa ng mga otoridad sa Kidapawan City upang matiyak ang seguridad ng mamamayan na magtutungo sa mga sementeryo kaugnay ng paggunita ng Undas.

Ito ang tiniyak ng pamunuan ng Kidapawan City PNP kasabay ng ikakasa nilang Oplan Kaluluwa 2013 ngayong araw hanggang bukas.

Culmination Program ng cooperative Month, dinagsa ng daan-daang mga miyembro sa North Cotabato

(Amas, Kidapawan City/ November 1, 2013) ---Isinagawa kamakailan ang culmination program ng cooperative month sa provincial Capitol Gym sa Amas, Kidapawan City kamakailan.       
                                                            
Ang nasabing aktibidad ay dinagsa ng daan-daang miyembro ng kooperatiba sa North Cotabato.                                               

Mababang presyo ng palay sa Kidapawan City, ikinadismaya ng mga magsasaka

(Kidapawan City/ October 31, 2013) ---Bahagya umanong bumaba ngayon ang presyo ng palay sa Kidapawan city.

Ayon kay DA-Kidapawan Agribusiness Coordinator Nenita Mangawang na sa ngayon ay naglalaro sa P15.00 hanggang P15.50 na lang ang kuha ng mga commercial traders sa palay na kanilang binibili mula sa mga magsasaka sa lungsod ng Kidapawan at karatingna lugar.

Special election gagawin sa 12 barangay sa Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ October 31, 2013) ---Isasagawa ang special election sa 12 mga barangay ng Pikit, North Cotabato.

Ito ayon kay Cotabato Provincial Election Supervisor Duque Kadatuan 51 mga clustered precincts buhat sa 12 mga barangay sa bayan ng Pikit ang bigong makapagsagawa ng Barangay Halalan noong Lunes.

‘Zombie Walk’, isinagawa sa Kidapawan City, para maka-kalap ng kita pantulong sa mga biktima ng lindol sa Bohol

(Kidapawan City/ October 31, 2013) ---Naglaan ng P200,000.00 ang Pamahalaang Panlungsod ng Kidapawan para sa mga naging biktima ng lindol sa Bohol, ayon sa Disaster Management.

Ayon kay 911 Operation Center Head Psalmer Bernalte na ang nasabing pondo ay nagmumula sa 30 porsientong Quick Response Fund ng City Disaster Risk Reduction Management (CDRRM).

Matapos na maaprubahan kahapon sa isinagawang City Peace and Order Council meeting na dinaluhan ng Local Health Board at ng City Disaster Risk Reduction Management.

Provincial Government ng North Cotabato; wagi ng Brand-New Ambulance sa World Medical Relief Raffle

(Amas, Kidapawan City/ October 31, 2013) ---Nanalo ang Provincial Government ng North Cotabato ng malaking pa-premyo sa isinagawang Raffle draw sa katatapos na 60th Founding Anniversary ng World Medical Relief sa Detroit, Michigan, Kamakailan.

Ang raffle draw, ay bahagi ng anniversary kick-off ng WMR ay bihira lamang na aktibidad nila na naglalayong matulungan ang iba’t-ibang mga organizations at local governments sa mga developing na bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng medical at pharmaceutical na pangangailangan ng mga ito.

Bagong kalsada sa Arakan, North Cotabato; pinasinayaan ng Provincial Government

(Arakan, North Cotabato/ October 30, 2013) ---Pinangunahan ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang pagpapasinaya ng kalsada na nag-uugnay sa Sitio Napanlahan, Poblacion Arakan at Barangay Dallag, Arakan.

Ayon sa gobernador ang road concreting project na nagkakahalaga ng 25 milyong piso ay mula sa provincial government matapos matanggap ang ‘Seal of Good Housekeeping’ award ng Department of Interior and Local Government.

56 nadale sa Dengue sa sRehiyon 12

(Koronadal City/ South Cotabato/ October 30, 2013) ---Abot sa 56 na ang nadale habang 11, 020 na ang nagkakasakit ng dengue sa buong Rehiyon - 12 mula noong Enero 1 hanggang ngayon.

Ito ang napag-alaman mula kay DOH 12 Health Education and Promotion Officer Jenny Ventura na mas mataas 233 porsyento ang nasabing kaso kung ihahambing sa kagayang period noong nakaraang taon.

25 mga bahay, apektado ng baha sa Koronadal City

(Koronadal City, South Cotabato/ October 30, 2013) ---Umaabot sa 25 mga kabahayan ang apektado ng nangyaring pagbaha sa ilang mga barangay ng Koronadal matapos ang malakas na pagbuhos ng ulan madaling araw ng Lunes, Oktubre 28.

Ayon kay Koronadal City Mayor Peter Miguel, may mga naitala na silang landslide sa Sitio Ladol, Brgy. Assumption kung saan isang bahay ang natabunan.

May ari ng Super Store, dinukot; 1 patay, 1 sugatan sa shootout!

(Cotabato City/ October 30, 2013) ---Isang security escort ang patay habang isa pang kasamahan nito ang sugatan ng makipaglaban sa mga armadong kalalakihan sa nangyaring abduction sa Cotabato city alas 6:00 kagabi.

Ayon kay S/Supt. Rolen Balquin, chief of police ng Cotabato City, dinukot ng mga kalalakihan si Mike Khemani, isang Indian National at may-ari ng Sugni Superstore na nag-ooperate sa lungsod at sa North Cotabato.

Halalang Pambarangay sa Kabacan, naging mapayapa sa kabuuan

(Kabacan, North Cotabato/ October 29, 2013) ---Naging mapayapa sa kabuuan ang isinagawang barangay halalan sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon.
Ito ang sinabi ni Election Officer Gideon Falcis matapos na nakumpleto na nila ngayong araw ang pagkakadeklara ng mga nanalo sa katatapos na halalang pambarangay.

Suporter ng kandidato, patay sa pananambang

(Rajah Buayan, Maguindanao/ October 29, 2013) ---Patay ang isa sa mga supporter ng isang kandidato habang sugatan ang isa pa nitong kasama makaraang tambangan di kalayuan sa Mileb Elementary School sa bayan ng Rajah Buayan, Maguindanao pasado alas 10:00 ng umaga kahapon.
Kinilala ni Rajah Buayan Mayor Zamzamin Ampatuan ang nasawing biktima na si Nasser Malang habang sugatan naman si Saudi Untong, pawang mga pamangkin ni Datu Pingcol na tumatakbong kandidato sa pagkapunong barangay ng Mileb.

Militar magsasampa ng kaso laban sa mga NPA na responsable sa kambal na pagsabog sa North Cotabato

(Kidapawan City/ October 28, 2013) ---Magsasampa ng kaso ang Armed Forces of the Philippines mula sa Eastern Mindanao Region laban sa grupo ng New Peoples’ Army (NPA) na responsable sa magkahiwalay na pagpapasabog ng landmine sa dalawang lugar sa lalawigan ng North Cotabato noong nakaraang Oktubre a-21 na ikinasawi ng siyam na mga sundalo at cafgu at ikinasugat ng lima.

Sinabi ni 10th Infantry Division Commanding Officer Major General Ariel Bernardo na ang kabilang sa mga nilabag ng mga rebelde sa ginawang karahasan ay may kaugnayan sa Republic Act 9851 o Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide at iba pang Crimes against Humanity.

Pulis, patay sa pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ October 28, 2013) ---Patay ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng di pa matukoy na suspek sa bahagi ng Mantawil St. at Purok Krislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 3:30 ngayong hapon lamang.

Kinilala ni PCinps. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si PO3 Erland Oro, ng Carmen PNP pero nakadestino ito sa Kabacan sa ilalim ng Task Force Krislam.

Granada, sumabog sa M’lang, North Cotabato

(Mlang, North Cotabato/ October 28, 2013) ---Hinagisan ng mga di pa nakilalang mga kalalakihan ang harap ng bahay ng isang negosyante sa Roxas St., Poblacion, Mlang, Cotabato alas 9:35 kaninang umaga.

Ayon kay PSI Rolando Dillera, hepe ng Mlang PNP sumabog ang granada sa harap ng gate ng bahay ni Engr. Joselito Gonzales Mercado, nasa tamang edad, residente ng nabanggit na lugar.

Kawani ng Philrice, na anak ng USM Professor; patay sa aksidente

(Kabacan, North Cotabato/ October 28, 2013) ---Dead on Arrival sa isang bahay pagamutan ang 25-anyos na kawani ng Philrice-Cabadbaran matapos maaksidente sa RTR Agusan del Sur, alas 3:00, kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktima na si John Peter Paul “Jep-Jep” Turnos, tubong Kabacan at anak ni Dr. Nicolas Turnos, guro ng College of Agriculture at kasalukuyang OSA director ng University of Southern Mindanao.