Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

25 mga bahay, apektado ng baha sa Koronadal City

(Koronadal City, South Cotabato/ October 30, 2013) ---Umaabot sa 25 mga kabahayan ang apektado ng nangyaring pagbaha sa ilang mga barangay ng Koronadal matapos ang malakas na pagbuhos ng ulan madaling araw ng Lunes, Oktubre 28.

Ayon kay Koronadal City Mayor Peter Miguel, may mga naitala na silang landslide sa Sitio Ladol, Brgy. Assumption kung saan isang bahay ang natabunan.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na binabaha ang ilang lugar sa lungsod ng Koronadal matapos na umapaw ang Bulok Creek simula pa noong Lunes ng gabi bunsod ng ilang oras na pagbuhos ng malakas na ulan.

Umaabot hanggang bewang ang tubig baha na nagresulta sa pagka-stranded  ng maraming mga sasakyan.

Sinabi ni City Administrator Cyrus Urbano, na nagtayo sila ng temporary shelter at namigay na rin ng relief goods sa mga residenteng apektado ng pagbaha.

Maliban sa mga pagbaha, may naiulat din na landslide sa Barangay Mambukal.

Kaugnay nito pinaalerto naman ni Urbano ang mga residente lalo na ang mga nakatira sa gilid ng creeks at paanan ng bundok na bantayan ang masamang panahon at agad na lumikas sakaling bumuhos ang malakas na ulan at tumaas ang level ng tubig sa mga creeks o sapa.

Nanawagan din ang alkalde na agad ng lumikas ang mga residente sa mga lugar na prone sa baha at landslide lalo na at may senyales pa na muling bubuhos ang ulan.

Samantala, muli ring binaha ang bayan ng Tantangan, South Cotabato matapos na isinailalim ito kahapon sa state of calamity.

Umabot sa limang barangay ang apektado dahil sa nasirang mga drainage system.

Agad namang nagpadala ng tulong ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) sa mga apektadong pamilya na nananatili ngayon sa evacuation center. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento